Durog na Puso

by Jessa Pesigan | shared on He Said, She Said |

Sinubukan kong linawin ang lahat pero natalo ako.
Binigkas ko sa harap mo ang mga katagang matagal ng sigaw ng puso ko.
Sinubukan kong pigilin ang paghikbi masabi ko lamang ng malinaw sayo.
Ngunit nalunod nalang ako sa luha at sakit dulot ng paglisan mo.

Dumaan ang ilang gabi at araw na ikaw ang laging naiisip ko.
Nagtatanong sa sarili kung pano ako haharap sayo sa susunod na magkita tayo.
Ngingiti ba ako sayo o magpapanggap na hindi ka nakita ng dalawang mata ko.
Ayoko kasing ipahiya yung sarili ko baka kasi wala nalang ako para sayo.

Binalikan ko ang mga ala-alang nakakasama kita.
Mga salitang binibitawan mo sa tuwing nagkakausap tayong dalawa.
Binalikan ko ang ako noon na masaya dahil pinaparamdam mong ligtas ako pagkasama ka.

Hindi ko inakala na habang nakatirik ang araw at pinapaso ako sa sakit
Darating din ang bagyo na sisira sakin at pupunit
Pero bakit umulan o umaraw lagi mong dinudurog ang puso ko na para bang ika’y hapit na hapit
Kaya wala akong magawa kundi ang lumayo dahil sa sakit.

Sinubukan kong sumalungat sa pagikot ng mundo.
Nagbabakasakaling maibalik ang dating tayo pero nabigo ako.
Nakipaglaro ako sa ulan umaasang aagusin nito palayo ang sakit na nararamdaman ko.
Pero patuloy paring winawasak ng alaala mo ang puso ko.

Marahil isa nga akong tangang matatawag dahil hindi ko magawang sumuko pagdating sa ‘yo.
Hindi ko alam kung lalayo naba ako o mananatili parin sa tabi mo.
Natatakot akong magdisisyon pagikaw ang dahilan dahil baka magkamali ako.
Kaya tandaan mo andito lang ako lagi para sayo kahit durog-durog na ang puso ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments