El Camino

ni Kiana Concepcion |

Isang malalim na gabi
sa isang tahimik na daan
sobrang haba
di ko na alam kung hanggang saan

Kaya ko naman mag-isa
pero dumating ka
Di ko naman kailangan ng kasama
pero sino nga naman ako para magreklamo pa

Di alam kung saan galing
o saan nagmula
Basta ang alam ko lang,
ikaw ang susunod kong gagawan ng tula

Ngunit umpisa palang ng paglalakad,
bigla na akong nabahala
Parang may mali, parang may mali
Parang hindi na tama

Kung iisipin mo’y masyado pang maaga
para makaramdam ng kakaiba,
ngunit di imposible dahil ibang iba ka sa iba
Ramdam mo naman, diba?

Unang plano maglalakad lang tayo
Unang plano sasamahan mo lang ako para takasan ang totoong mundo
Pero di ko namalayan,
sayo na pala umiikot ang mundo ko

Sa bawat daang tinatahak,
mayroong pawis na tumatagaktak
Sa bawat salitang tumatatak,
mayroong luhang pumapatak

Nalulungkot ako
para sa sarili ko
Nalulungkot ako
para sa mga emosyong tinaya ko

Pero heto parin ako
tumataya kahit di sigurado
Hayaan mo akong magtanong sayo
Gusto mo parin bang ipagpatuloy
ang paglalakbay sa daang pinangalanan kong “tayo”?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleLibro
Next articlePanaginip