To the Ex Girlfriend of my Boyfriend

by Bitchay | shared on He Said, She Said |

It’s been almost 4 years since I met my boyfriend.

Naging magkaibigan. We are both miserable. Why? We are in the process of letting go. I-let go ang relasyon namin sa ibang tao.  Kakabreak lang namin sa kanya-kanya naming relasyon. Hindi biro yun kasi sa Ex. Ako, halos 4 years and sa kanya 5 years din.

This message talaga is for the ex of my boyfriend.

Remember nung nag iskandalo ka sa isang fastfood restaurant?  I forgave you.  Remember nung gumawa ka ng maraming isyu about me? Na nakakababae talaga?  And I don’t want to mention it ’cause it’s not true. Remember recently you created an account to ruin our relationship pero hindi ka nagtagumpay?  I know you’ve been hurt so many times.  Kasi minsan napapatulan din kita.  Pero sana matanggap mo na,  wala na.  Tapos na, 2017 na.

Pero nandiyan ka pa rin at hindi maka-move on.  Hindi ka na nilamon ng sistema kundi ng pait ng iyong nakaraan. Just like what I’ve said, hindi ka talaga makakamove on kung paulit-ulit mong binabasa ang isang chapter ng buhay mo.  Hindi ka na natapos.  Baka magulat ka isang araw,  ako, kami yung ibang tao, tapos na sa binabasa mong libro at bagong libro na ang kanilang binabasa pero ikaw nandiyan pa rin.

Kahit ako, nasaktan dahil iba ka mambully sa social.  But thank you kasi napatunayan namin kung gaano kami katatag.  Lagi mong sinasabi na may insecurities ako sa ‘yo.  But the fact is, sa ‘kin ang gusto ng mahal mo.

Aminin na natin na ang lalaking minaliit mo. ngayon ay masaya na sa iba ngayon.

I love him and he loves me so much.  Masakit ang katotohanan ngunit concerned ako.  Kasi kung hindi, matagal ka ng sumikat.

Pasensiya na kung akin siya at hindi na sa ‘yo. Pasensiya na. Alam ko single ka kaya napagbubuntunan mo kami. Pero isa lang ang natutunan ko: ang lalaki kapag ayaw na ayaw na.  Pero kapag ang lalaki ayaw na pero kinakaya pa, mahal kang talaga.

Ang hiling ko, ibigay ang para sa ‘yo — kalayaan at kapayapaan. Huwag mong gawin sa sarili mo ang mga bagay na masasaktan ka lang.  Tulad ng pagpilit na ibalik ang tatlong taong nawala sa ‘yo.  Kung mahal mo siya, matuto kang maging maligaya para sa kanya.  Hindi yun sisiraan siya sa akin sa ibang tao para pareho kayong hindi maging masaya.  Gawin mong maging masaya ang puso sa paggawa ng makakabuti sa ‘yo.  Huwag mong hiyain ang sarili mo, kasi babae ka. Pinapahalagahan at hindi dapat sinasaktan ng kahit na sino.

Lalo ng iyong sarili.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments