Falling Out of Love

by Omojoy | shared on He Said, She Said |

Hello po He Said, She Said. I just wanna share this poem na ginawa ko last month. Naisulat ko to before ng break up namin ng ex ko at dito ko naidaan lahat ng gusto kong sabihin sa kanya dati. Akala ko kasi kaya kong baguhin ang ikot ng mundo namin. Hanggang sa unti-unti kong na-realize na ako na lang pala ang mag-isa sa mundong ‘yon. Naniniwala ako sa “feel the pain until it hurts no more.” Hindi kailangang iwasan ang sakit kundi dapat natin itong tanggapin.

Sino bang makapagsasabing
magagawa kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa ‘yo?
Ikaw ang unang sumuko
unang umayaw
pero ako ang nanalo.
Ako ang napagod
ako ang nasaktan
pero ikaw ang huminto.

Sumabay sayong mga salita
ang pag agos ng luha
ang sakit ng puso
ng sabihin mong ayaw mo na,
tama na, itigil na natin to.
Tinanong kita kung bakit
pero wala kang dahilan.
Tinanong ko sarili ko
ano ang pagkakamali
ano ang pagkukulang
ngunit wala sa akin ang kasagutan.
Pinilit mong kumawala,
umalis at lumayo..
ngunit ako, yumakap,
kumapit ng mahigpit.
Pinilit ko.
Pinilit kong ituloy ang relasyong ito.
Pinilit kong ipagsigawan
ang laman ng puso ko.

Tama pa ba ito?
Tama bang ipaglaban ko?
Kahit na alam kong ayaw mo na
nasasakal kana, suko kana.
Tama bang nakakapit pa din ako
sa kabila ng hiling mong
maghiwalay na tayo?
Oo alam ko ang tunay mong nararamdaman.
Alam ko ang iyong pinagdadaanan.
Ngunit hayaan mo kong lumaban,
hayaan mo kong ipagsigawan ang pagmamahal kong iyong binitawan.
Balang araw matatanggap ko din
na ikaw ay hindi na akin.
Mapapagod din ako,
mapapagod din ang puso.
Hayaan mo lang akong masaktan
dahil sa katotohanan,
hanggang sa dumating ang araw na kaya na kitang pakawalan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments