Feelings Untold

by Christine Joy Anzaldo | shared on He Said, She Said |

Habang naglalakad ako
Narealize ko mag-isa na lang pala ako
Wala na yun dating kasama ko
Yung dating nag iinsist na ihatid ako
Yun dating gusto na lagi akong kasama
Naramdaman ko na mas malamig ka pa
Sa tag-ulan sa gabi
Mas malayo ka na kesa dun sa dati
na laging nasa tabi
Mas matabang ka na
Dun sa yelong nalusaw sa pitsel
Nag bago ka na
Hindi ka na malambing tulad ng dati
Hindi ka na nag aalala kung nasaan na ako

Nakakainis kasi hinayaan ko yun sarili ko
Na mahulog sa ‘yo
Kaya ngayon heto hirap na hirap bumangon
Mula sa pagkakahulog sa ‘yo
Nahihirapang lumakad papalayo
Dahil lilingon at lilingon pa din ako sa ‘yo.
Sana di mo na lang sinabi na gusto mo din ako
Sana di ka na nag alala,sana di ka na nag abala
Sana di ka na kinilala at sana di ka na naalala.
Sana di mo din hinawakan ang kamay ko,
Sana di mo na sinabi na magtext ako
pag nakauwi na ko, sana di mo na sinabi
Na mas importante na ko sa ‘yo at sana
Di mo na ko binigyan ng motibo
Para mas magkagusto sa ‘yo
Para di ako umasa,kahit na alam ko na
Wala naman talagang aasahan.
Hindi pwede,malabong mangyari
Na maging tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments