Gagawin ko ang lahat

by Emmanuel Marcaida Olitoquit | shared on He Said, She Said |

Sabi ko gagawin ko ang lahat para maging masaya ka, para mawala yung mga lungkot at problema na dinadala mo. Kasi ganun naman talaga ang ginagawa ng magkakaibigan.

At sa tingin ko ay nagawa ko na naman yun, nakikita ko na, na masaya ka na. Di mo na din nababanggit ang mga problema mo at puro saya na lang ang nakukwento mo.

Siguro tapos na yung part ko, kasi yun lang naman talaga di ba ? Ayoko na din umasa na pwede pang lumagpas don, ayoko na umasa na merong pag asang mas higit pa tayo sa kaibigan.

Masaya na ko na napasaya kita, masaya na ko talaga. Ayoko din dumating sa point na magkailangan tayo. Okay na ko ng ganto.

Kaya ngayong masaya ka na, iiwas muna ko. Iiwasan kong lumalim yung pagtingin ko nang sa ganon ay di masira ang pagkakaibigan natin.

At kung malungkot ka ulit at mamorblema, wag kang mag alala, andito parin ako para alisin yun, para palitan ng saya ang lahat. Tangi ko lang na hiling ay maging masaya ka.

Mag ingat ka lagi.

Mahal kita pero di pwede.

Salamat sa lahat.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments