Ginoong Barbero

by Regine Tien | shared on He Said, She Said |

Lalaking maloko,
Lalaking magulo,
Lalaking puro biro,
Ikaw ang gusto ko.

‘Di ko man alam ang tunay mong pagkatao,
May kakaiba sa’yo na talaga namang nagustuhan ko.
Hindi ka perpekto,
Ngunit humanga ako sa’yo.

Sa lahat ng sinabi mo,
Sa bawat k’wento mo,
Alin kaya do’n ang totoo ?
Alin kaya do’n ang biro ?

Ang tiwala ko sa’yo,
Sana ay ingatan mo.
May pagdududa man sa isip ko,
Makikinig pa rin sa’yo ang puso ko.

Ang damdamin kong mailap,
Maging ang utak kong hirap,
Ikaw lagi ang laman,
Ngalan mo ay isinisigaw.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments