Goodbye sa “Hi” sa High School Life

by Jhari F. Aliparo |  shared on He Said, She Said

Nangangapa sa unang pasok sa kwarto,
Mga pangalan ng kamag-aral di pa kabisado,
Nagsimula sa kamustahan at pagkilala tayo,
Sa harap ng klase tumayo ng kabado,

Sinundan ng mga araw na may bes at tropa,
Dumaan ang gulo at away buti nairesolba,
Di napapansin ang oras na itinakda,
Na may hangganan ang pagsasama,
Sinusulit ang panahon na may ligaya at saya,

Harutan at kwentuhan tumatak sa isipan,
Sikretong sinabi na sa huli’y di matakpan,
Paraan kay crush ay malupet na diskartihan,
Pagtatapat ay nauwi sa busted na di inasahan,
Sa pag-asa na pinaasa sa tawanan dinaan,
Gayunpaman, sinusuportahan pa rin ang kaibigan,

Kung may contest para sa ingay at sigawan,
Siguro ilan beses na natin yun napanalunan,
Kayraming palakpak at hiyawan,
Ang narinig sa buong taon ng paaralan,
Lagi nababanggit ang pangalan ng baitang,
Minsan sa tagumpay at kadalasan sa kalokohan,
Mga sagot sa homework iisa lang ang pinanggalingan,
Gawa di natatapos ‘family time’ ang palusot na dahilan,
Kaya parehas lang ang grado minamarkahan,
Mga aralin na minsan di maintindihan,
Sa kaklaseng matalino ang puntahan,
Ako’y masaya sa ating pinagsamahan,
Mga di malilimutan ala-alang karanasan,
Walang inggitan kundi meron tulungan,

Kailanman, iyong lagi pakatandaan,
Ang Squad na isang tawagan,
Handang tumulong at resbakan,
Sa oras ng pangangailangan,
San ka man ika’y pupuntahan,
Mapa-Timog, hilaga o kanluran,

Iisang eskwelahan na binigyan natin ng kulay,
Darating pala na may bagong yugto huhumpay,
Kabanatang isang masayang kabataan ang tinalakay,
Isang kwartong ginawang pangalawang bahay,
Ang adviser ating tunay na naging nanay,
Mga aktibidad lagi tayong gabay at kaagapay,
Sa buong taon ng pagsasanay,

Ang huling araw ng pasukan,
At huling pag-upo sa upuan,
Mga saksi sa papel na sinulatan,
Huling yapak sa sahig na nilakaran,
Huling tanong sa pinag-aralan,
Huling pag-ikot ng electric fan,
Huling pagbabasa sa silid-aklatan,
Huling pagsarado sa pinto at bintana,
Huling buburahing salita at letra sa pisara,
Huling pilas na itatapon sa basura,
Huling pag-ayos ng lamesa at kurtina,
Huling pagliwanag ng bumbilya,
Ang huling good morning, good afternoon
at good bye ng magkasama,

Ang mga huling aking nasambit,
Palatandaan na oras ang gamit ay iligpit,
Pulutin ang natutunan at hawak ng higpit,
Buhay ng isang Highschool ay walang hihigit,
Binigay ang lahat hanggang sa huling hirit,
Buhat nang ako’y sa piling ng section naipit,
Pero ang pagtatapos ay di mapipihit,
Kahit anong pilit at kulit,
Ay sana ang pagsasama natin ay maulit,
Ala-ala at aral ay aking ibibitbit,
Pagsapit ng bukas ang pangarap ay makamit,
Kaya paalam na sa HIGH SCHOOL LIFE.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments