Gulo

By Daniel Christian Garcia

Sa lahat ng oras akoy nasasaktan,
Na tila kinukurot aking puso at biglaang itinapon na lamang,
Nguni’t magpa hanggang ngayon ang wakas ay di pa nakamit.
Inaasam na ginhawa ay tila lumalamig nang tuluyan.
Sa mga mata ko tila’y ligaya,
Ang inihahandog ng bawa’t nakakakita.
Litong ito, tila isang gulong na pagulong gulong.
Bukas, maaaring sa susunod pang mga araw ako’y mag-isa.
Gulong gulo aking isipan.
Gaya nang mga kulay na nagsama sama isip ko ay magulo,
Inaasam kong marinig lang ang linyang ‘mahal kita!’
Sa una lang pala lahat at di rin nagtagal pa!
Gulong gulo na ang aking puso, dahil tinambakan nang iba’t ibang sakit
Tulad nang, pag takwil, kasinungalingan, pandaraya at kung ano pa man.
Sana hindi na lang tumuloy at Sana hindi na lang kita inibig.
Huli na’ng lahat. Puso ko’y nawasak at sa isip ko’y hanggang dito na lang!

 


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments