Hakbang

by Rapunselle Libunao | shared on He Said, She Said |

Ilang araw ng nagiisip kung ano ba ang nararapat
Ilang linggo ng umiiyak sa di maipaliwanag na kalungkutang aking nadarama
Hanggang sa napagpasyahang umalis na sa lugar na naging kulungan sa pagdaan ng panahon
Isang hakbang, dalawa, tatlo at apat
Ayan na malapit na
Malapit ng makawala sa kadena ng lungkot at sakit na hinayaan kong yumakap sa akin
Lima, anim, pitong hakbang
Natatanaw ko na ang liwanag at pinto palabas tungo sa maliwanag na bukas
Lilisanin na ang kadiliman na kay tagal kong dinama at kay tagal kong nakasama
Walong hakba at pang siyam may humawak sa aking mga kamay
Pinigilan ang nagbabadyang paglisan pinigilan ang malapit na na pagkalas ng kadenang bakal na kupas
Ayan na naman ang tibok ng pusong walang alam kung hindi maghumentaryo sa paglapit mo
Nadala na naman sa iyong mga salita na hindi na mauulit ang iyong mga nagawa
Naniwala ako kahit alam kong hindi na naman ito totoo, na hindi naman nagbabago ang isang tao
Na kung ako’y mahal mo talaga di mo sana hinayaang masaktan ako pero anong magagawa ng isang tulad ko na tanga sa pagibig lalo na pagdating sayo
‘Baka sakali’ mga salitang pinanghawakan ko noon at ngayon
Baka sakali…
Ginapos na naman ako ng iyong mga kamay na tila ba hindi na maalala ng puso ang sakit na kanina lang ay nararamdaman ko
Nabulag na naman ng emosyon at pagasang baka iba na ang kwento ngayon
Istoryang ikaw ang may hawak ng lapis at papel ikaw ang nagdidikta ng mga dapat na maganap, kasi ako? Tauhan mo lang naman ako na kahit na gustong umalis isang tawag lang ay kusang babalik
Hahayaan muna kita sa isa at huling pagkakataon
At kung katulad lang din ng mga nauna nating istorya, lilisanin na talaga ang kulungang panandalian lang ang saya at mas nangingibabaw ang mga luha sa mata
Hindi na hahayaang may pumigil pa sa pang siyam na hakbang ko
Siyam na hakbang at sa pang sampu…
Maisisigaw ko na sa mundo ang mga salitang Malaya na Ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments