Halikana’t sumama

by Radenjohn Tamondong | shared on He Said, She Said |

Patawad po aming “AMA”
Sa aming nagawang pagkakasala
Nagbulag-bulagan sa iyong mga ginawa
Nagbingi-bingihan sa iyong mga salita
Kahit ikaw ay aming sinaktan
At ipinako ka sa krus
Upang iligtas ang sanlibutan
At ang paghihirap mo
Iyo nang winakasan.
At sa iyong pagkamatay
Ang galit mo ay kanilang nasaksihan
Mga taong di nanalig sa ‘yo
Kamatayan ang kinahantungan.

Sa kasalukuyan
Iyong mga salita na sa Biblia nakatala
Iilang tao na lang ang nakakaunawa.
Ibang tao pera na ang tinitingala
Pumamatay,nagnanakaw at nang-aabuso ng iba
Upang may maipakain ka lang sa pamilya?
Sila’y nangungulila habang ikay nag papakasaya
Di ka ba nakukunsensya.
Sampung utos na kanyang ginawa
Ilan na ba ang iyong nabali’t nasunod
Ilan na ba ang iyong nagawa’t naudlot
Kahit kanino ay wala ka nang takot
Tila sa demonyo ika’y nagpasakop.
Pero alam ko’y kaya mo pang magbago
Labanan mo ang mga tukso sa paligid mo
Gumising ka sa bangungot mo
Matuto ka sa’yong pagkabigo
Hawakan mo ang kanyang mga palad
Ika’y aalalayan nya san ka man mapadpad.
Puso mo’y gawing panatag
Sa kadiliman s’ya magsisilbi mong liwanag.
Sana sa aking isinulat
Sana kayo’y mamulat
Wag na tayong magkagulo
Ikaw at ako
Sila at tayo
Iisa lang ang ating mundo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments