Hanggang Kailan Nga Ba?

Hanggang Kailan

ni Radzma Lutian

Hanggang kailan? Ang palaging tanong ko sa sarili ko.

Hanggang kailan kita patuloy na mamahalin. Hanggang kailan ako kakapit sa ala-ala na lang at ang mga pangako mo na paulit-ulit na nagpapa-alala sa akin.

Mahal naalala mo pa ba sabi mo noon sa akin, “Mahal na mahal kita,” mga pangako mo at planong kasalan. Mahal, gano’n na lang ba yun? Kakalimutan na lang bigla?

Nakakatawa lang dahil ang mga salita na yun paulit-ulit kong naaalala para na ngang sirang plaka na hindi humihinto.

Mahal hanggang kailan ako aasa na may pag-asa pa tayo muli na puwede pang maibalik yung dating tayo. Sorry, mahal, di kasi ako katulad mo na nakahanap agad ng iba. Gusto ko sana isumbat lahat sa ‘yo.

Yung mga tanong sa isip ko. Bakit? Bakit nagawa mo akong palitan agad? Mahal, bakit? Siguro nga napagod ka na. Napagod ka na sa paulit-ulit na nangyayari.

Sorry, mahal, hindi ako yung tipong pinaglalaban at maipagmamalaki. Sorry kung hindi ko nagawa yung inaasahan mo na gagawin ko. Pero papatunayan ko naman di ba handa akong patunayan lahat sa ‘yo kung gaano kita kamahal kahit alam ko. Kahit alam ko wala ring patutunguhan ito at sa huli ako rin ang masasaktan.

Alam mo ba, daig ko pa ang desperadang babae. Gagawin lahat makuha lang ulit ang taong minamahal. Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila dahil mahal, ikaw. Ikaw ang kaligayahan ko.

Sabi nga ng isang kong kaibigan, “hayaan mong sarili mo mahalin siya magpakatanga ka magpaka-martir ka gawin mo lahat para sa kanya dahil sa huli mapapagod ka din at ikaw na mismo ang magsasabi sa sarili mo tama na. Pagod na pagod na ako dahil kahit anong payo namin sayo ikaw at ikaw lang mismo ang makakapagsabi sa sarili mo na tama na itigil ko na to dahil wala din mangyayari”.

Mahal, ayokong dumating sa huli na masasabi ko ang mga katagang yun sa sarili ko. Dahil kapag dumating ang panahon na yun, tapos na ako. Tapos na ako sa pagpapakantanga sa ‘yo.

Comments Go Here ▼

Comments