Hanggang Kailan Nga Ba?

by Meliza B. Labbao | shared on He Said, She Said |

Tama nga ba ang maghintay sa taong hindi pa tapos magmahal ng iba?
Hanggang saan ka tatagal sa sitwasyong alam mong talo ka?
Hanggang kailan mo itatak diyan sa utak mo ang mga katagang “baka sakali at sana”?
Mga katagang walang kalaban-laban at walang kasiguraduhan pa.
Mahaba na ang panahong nasayang,
Mga panahon na dapat hindi ka nasasaktan,
Sapagkat wala siyang karapatang ika’y saktan.
Ngunit ito’y iyong hinahayang ika’y sugatan, bakit?
Dahil sa walang kamatayang mga salitang “okay lang, mahal ko siya”
Ngunit naramdaman mo bang mahal ka niya?
Mga panahon, na ika’y mukhang tanga, kahihintay ng mensahe mula sakanya.
Mga mensaheng nabibilang, wala pa atang lima.
Alam kong ika’y hirap na hirap na, ngunit dahil sa lintik na pagmamahal, nananatili ka.
Para saan? Hindi mo rin alam.
Hindi mo alam dahil ika’y nabubulagan sa ideya ng pagmamahal,pagmamahal na ikaw lamang ang nagmamahal.
Tila ika’y isang buhay na bituin na nagniningning sa kalangitan, ngunit wala nang buhay.
Unti-unting tinatakpan ng mga itim na ulap kasabay nito ang pagkawala ng iyong kislap.
Hanggang kailan? Hanggang kailan ka maghihintay, kapag lumubog na ang araw?
Hanggang kailan ka makikipagsiksikan sa sasakyang walang bakanteng upuan?
Hanggang saan ka maghihintay? Aasa ka ba na may bababa upang makaupo ka ng maayos?
O ikaw na lamang ang bababa at magpapaubaya? O baka naman patuloy ka paring kumakapit sa mga baka at sana? Bakit?
Dahil sa mga ipinangako at itinatak niya sa puso’t isipan mo.

“Mahaba pa ang panahon at madami pang pagkakataon” sambit niya.
Ngunit alam mo ba kung hanggang kailan at hanggang saan?
Hahayaaan mo na nga lang bang mawala ang ginto’t maging tanso?
O ika’y iiwas sa ganitong sitwasyon.
Tama na, tapusin na kung ayaw mong masayang ka.
Ika’y isang ginto, ika’y dapat pahalagahan at alagaan.
Kaya’t tama na ang mga nasayang na panahon, at harapin na ang bagong pagkakataon.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments