Hanggang sa iyong pagbalik

by KJ10 | shared on He Said, She Said |

Nais kong malaman mo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Hindi man naging maganda ang simula ng ating pagmamahalan pero naipagpatuloy natin ang lahat at nalampasan ang lahat ng mga paghihirap at pagsubok ng buhay.

Tayo’y naging masaya habang binubuo ang ating mga pangarap. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at ngayon tayo’y pinaglayo na ngunit nananatili pa rin akong nandito at hindi susuko upang maayos ang lahat ng nasira sa atin.

Kahit sobrang hirap ng sitwasyon natin sa isa’t isa at maraming humahadlang sa ating pagmamahalan mananatili pa din akong malakas para sa ‘tin.

Dahil ikaw lang ang nag-iisang mahal ko at mamahalin ko hanggang sa huli ng aking buhay.

Umaasa akong darating ang araw na magkikita tayong muli at maaayos ang nasira nating pagmamahalan at maibalik at ipagpatuloy ang ating nasimulan.

Maghihintay ako hanggang sa huli aking mahal.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments