Hayaan mo na ako

by ARZ | shared on He Said, She Said |

Hayaan mo muna akong maging masaya,
Hanggang sa bawat sandaling ikaw ang gustong nakikita ng mata.
Hayaan mo muna akong maglambing,
Hanggang sa makatulog ako ng mahimbing.
Hayaan mo muna akong maramdaman ang braso mo, Hanggang sa maging unan na ng aking ulo.
Hayaan mo muna akong kausapin ka ng kausapin hanggang sa Good night, I love you nalang ang sasabihin.

Hayaan mo munang lumipas ang oras na ikaw at ako lang,
Hanggang sa ang masasayang ala-ala ay hindi na mabilang.
Hayaan mo munang sulitin natin ang bawat sandali,
Hanggang sa ang ligaya’y walang ng kapalit ni matitirang sukli.
Hayaan mo munang ikaw ang maging mundo ko,
Habang patuloy na umiikot ito.
Hayaan mo munang ikaw ang maging dahilan ng pagbangon ko araw-araw,
Habang nagigising ako sa pagkasilaw.

At hinayaan mo nga ako …
Hinayaan mong mabago ang lahat, na parang ang dati’y hindi pa sapat.
Hinayaan mong mapagod ang aking mga mata, hanggang sa wala na itong mailuha.
Hinayaan mong mabura ang masasayang ala-ala, hanggang sa ito’y tuluyan ng mabalewala.
Hinayaan mong ang matatag na ako ay masaktan, hanggang sa hindi na malaman kung ano pa ba ang aking kahihinatnan.

Bakit hinayaan mo pa akong maging masaya,
Hanggang sa nahulog ako sa bangin ng ligaya?
Bakit hinayaan mo pa kong maniwala sa tinawag mo pang pagmamahalan,
kung malalaman kong isa lang pala itong malaking kasinungalingan?
Bakit hinayaan mo pang ako lang at wala ng iba ang nagmamahal sa ating dalawa?
At higit sa lahat, bakit hinayaan mo na lang na ako’y iyong kalimutan, tila isinantabi ng walang pag-aalinlangan?

Pero ngayon aking mahal, hayaan mong ako ulit sa ating dalawa ang sumugal.
Na ang hayaan mo muna ako, ay mapalitan ng hayaan mong ako na lang.

Hayaan mong ako na lang ang magpapaalam, upang sa sakit ay ako na lang ang makaramdam.
Hayaan mong ako na lang ang biglang lilimot upang ang galit ay hindi na magiging poot.
Hayaan mong ako na lang talaga ang bibitaw sa’ting dalawa, sa labang ako na lang pala ang lumalaban at wala ng iba.

Hayaan mong ako na lang mahal ko. Hayaan mo na ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments