Help Me Make It Through The Night

Help Me Make It Through The Night

from message sender “Jennifer” |

(We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.)

A blessed day, Tito Homer and Tita Jinky! Just wanna ask something lang po. Paano ko po ba ma-de-deal yung ganitong situation na nasa iisang church po kami nung ex ko. We’ve been through ups and downs through out of our 1 year relationship. Hanggang sa dumating yung panahon na naging sobrang busy siya at nalaman ko na kaya hindi sya nakakapaglaan ng panahon sa ‘kin. Although may work s’ya, eh, may kinikita na pala siyang ibang girl. And the worst thing is, ka-churchmate ko din po. And then he broke up with me. Tinanggap ko po at pinalaya ko s’ya. At halos mag-iisang taon na po pagkatapos nun, and the thing is I can’t completely move on kasi lagi ko po silang nakikitang dalawa.

I really don’t know how to completely move on gano’ng lagi ko silang nakikita at ang masakit pa ni wala silang paki kahit nakikita ko silang magkasama. How can I move on if ganito po yung situation ko? Please I really need of advice po. Sana mabasa niyo po ito. God bless! – Jennifer

HE SAID:

Hi Jennifer. Moving on is a decision. It’s a verb (an action word) and not a noun, sabi nga ng iba. So, nasa iyong kamay ang future mo. yes, nakaka-bitter talaga ang nangyayari. But why not change your way of thinking? Remember, single ka now. No complications. How sure are you na puro happy ang nangyayari sa knila? What if facade lang nila yan? Point is, dapat ngayon, sarili mo lang ang inaayos mo. Ikaw ang talo kung sa kanila ka lang nakatuon ang pansin, di ba? It’s not so hard to move on, really. Start with one step, then more baby steps. Kaya mo yan. Start by accepting na tapos na ang chapter niyo at may mas magandang istorya na ikaw mismo ang gagawa ng script. Ano kaya ang ending na gusto mo? Ikaw lang ang makakasagot niyan. :) – Tito Homer

SHE SAID:

Hello Jennifer. One year is a long time. Kung hindi ka pa din maka-move on ibig sabihin gusto mo yung kinalalagyan mo. Why? Because moving is a decision that you have to make. If you don’t want to do it, you only have yourself to blame. Gusto mo ba na sila lang ang masaya? Just be happy for them. How? Ask the Lord to help you forgive them. It is in forgiving that you will truly be happy. Move on na. Tagal mo na nakatambay dyan. Mag-isa ka na lang sa tambayan mo. Lahat ng nanonood sa inyo ibang channel na inaabangan. Ikaw na lang nandiyan. Remember life is beautiful and simple, enjoy and don’t complicate it. God bless! – Tita Jinky

Video: "Help Me Make It Through The Night" by Anne Murray

Comments Go Here ▼

Comments