Hilom

by Angel May Manalaysay | shared on He Said, She Said |

Darating din ‘yong isang araw na masasabi mong
wala ka ng sakit na nadarama,
Iyong mga araw na naiisip at naaalala mo siya.
Mga sandali na lagi kayong magkasama,
Habang namumutawi ang ningning sa inyong mga mata.

Darating din ‘yong isang araw na masasabi mong malaya ka na,
Malaya sa mga halik at yakap niya.
Iyong mga bisig na araw-araw mong nakakasama,
Mga sandali na sa piling ng isa’t isa kayo maligaya.

Darating din ‘yong isang araw na masasabi mong tanggap mo na,
Na hindi kayo ang para sa isa’t isa,
Kahit anong pilit gawin ay hindi makakaila ng ating tadhana,
Ang pagibig na nawalay lalo na’t kung ikaw mismo ay sumuko na.

Pero higit sa lahat, darating din ‘yong isang araw,
Iyong isang araw na masasabi mong nalimutan mo na siya,
Ang taong mahal mo na mismo na sa iyo’y kumawala,
Mula sa pinagbigkis ng mga salitang “Mahal kita at wala ng iba,”
Na naging “Pasensya na, hindi ko na kaya.”


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments