Hindi Ako, Siya

by Michaela Graciela Ong | shared on He Said, She Said

Ako ay hindi magiging siya.
Siya ay hindi magiging ako.

Kami ay tunay na magka-iba.
Ibang-iba sa inakala nila.

Akala ko,ako yung gusto mo.
Gusto mong mahalin ang tulad ko?

Pero tama ang aking akala. Sa’kin, siya’y iyong nakikita.

Nakikita mo siya kaya nabighani ka.
Napaniwala ka ng iyong mga mata.

Masakit na inakala mo akong iba.
Masakit, na ang mahal mo ay siya.

Siya, na dahilan ng iyong saya.
Siya, na nagmulat ng iyong mga mata ng makita mo
ang daan palabas sa iyong kalungkutang
nagmistulang iyong hawla.

Ngunit narito rin naman ako.
Handa akong buksan hindi lang mga paningin mo
bagkus pati ang puso mo.

Puso mong laman ay siya at hindi ako.
O biglang tumigil ang ikot ng mundo ko.

Mundo ko na umiikot sa’yo.
Mundo ko na pantasya lang ang tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments