HINDI BA?

ni Christleenjo Viloan |

Paalis na ako, papalipad, papunta
Iyon ang ganap sa unang makausap ka
Marahil nakalimutan mo na
Hindi naman ako importante sa’yo, hindi ba?

Nagsimula noong mga araw at gabi na nagdaan
Nagsimula noong damdamin mo’y sinaktan
Nagsimula noong simula mo’y nagtapos
Nagsimula noong damdamin ko’y sinimulan mong igapos

Hindi ko inakala na sa magiging ganito ang paghanga
Ilang araw din tayong walang sawang nag-uusap, hindi ba?
Ilang gabi rin tayo nagpupuyat makakwentuhan lamang ang isa’t isa!
Hindi ko alam kung paghanga pa ba o pag-ibig na.

Hindi ko na dinamdam dahil una pa lang alam kong wala na
Wala na, yung parang wala ng pag asa.
Ay, hindi, hindi, wala nga pala talagang pag-asa
Ikaw? Ako? Tayo? Malabo.

Hindi ka pa handa na tumayang muli sabi mo
O hindi lang talaga ako kataya-taya, sa tingin mo?
Masakit tanggapin ang katotohanan na ganyan ka pala
Sa umpisa lang magaling, ng tumagal wala na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments