namumugto

Hindi Biro

by MJ | shared on He Said, She Said

Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon, pero sana puwedeng tanungin mo ako?

Sana puwedeng kamustahin mo ako?

Kung paanong nung umpisa mo akong sinuyo, sana puwede ganun mo din klaruhin ang mga agam-agam ko?

Sana puwedeng kahit isang saglit, bigyan mo ‘ko ng rason para ‘wag ka nang isipin. Na sana kahit isang salita masabi mo sa ‘kin. Salita na maaaring magpahinto sakin na alalahanin ka pa. Salitang ibato mo na sa ‘kin para ako ay’ wag nang umasa. Hindi mo kasi alam kung paanong kinakaya kong harapin yung bagong umaga ng wala ng nagsasabi kung gaano kaganda ito.

Na wala na yung taong manlalambing pag nararamdaman n’yang sira ang araw ko. Na wala ka na sa ‘kin kasi pinahinto kita, pinatigil kita at sinabi kong ‘wag na muna.

Hindi mo siguro alam na yung mga salitang yun ang kinatakot kong sambitin pero dahil sa pangarap at pag-asang balang araw muli tayong magkita, sa tamang oras at lugar na sinasabi nating dalawa, pinilit kong maging matapang.

At sa bawat oras na lumilipas simula nung araw na yun ay mas lalo kong tinatatagan at kinakayang tanggapin na ang mga nangyayari sa ‘tin ngayo’y resulta na lamang ng desisyon kong ika’y palayuin.

Pero sana lang alam mo, na nasasaktan ako.

Nasasaktan ako sa katotohanang hindi mo man lang pala papatunayang kahit na pinatigil kita ay kakamustahin mo pa rin ako, na magpapatuloy kang magparamdam at paalalahanan ako. Na hindi ka pala ganong tao. Na hindi ka pala ganon kapursigido. Na hihinto ka na pala talaga kahit ang lahat ng to’y pagsubok lang sa tatag mo at sa kung anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo.

Oo, masakit tanggapin na binitawan kita at pinili kong magsakripisyo kahit na alam kong sayo ako sasaya. Sa totoo lang, miss na miss na kita. Pero naisip kong mabuti nga siguro na hayaan ko muna ang panahon na magdesisyon para sa ‘ting dalawa.

Hahayaan ko munang ang sitwasyon ang maging daan para makilala ko kung sino ka talaga. Hahayaan kong masaktan ako ngayon sa mga bagay na ginagawa at pinaparamdam mo, baka balang araw maintindihan natin pareho kung ano ang silbi ng mga bagay at oras na hinayaan nating lumipas simula ng maghiwalay tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by MJ | shared on He Said, She Said Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon, pero sana puwedeng tanungin mo ako? Sana puwedeng kamustahin mo ako? Kung paanong nung umpisa mo akong sinuyo, sana puwede ganun mo din klaruhin ang mga agam-agam ko? Sana puwedeng kahit isang saglit, bigyan mo ‘ko ng rason para ‘wag ka …

Review Overview

User Rating: 4.9 ( 1 votes)
0