Hindi Ko Alam

Hindi Ko Alam
ni Judie Chang
 
Binago ko yung takbo ng buhay ko para maabot kita,
para makasabay ako sa mga gusto mo.
Nandoon ako kung saan ka masaya,
kung saan mo gusto o kung ano pa man
‘yang trip mong gawin sa buhay.
Hinayaan kong umikot ang mundo ko sa’yo.
Yung tipong nakalimutan ko na nga kung sino ba talaga yung totoong ako.
 
Masyado kong binuhos lahat ng pagmamahal na mayroon ako.
Lahat ng kaya at pwede kong ibigay, ibinigay ko.
Halos lahat ng oras na pwede kong iukol sa’yo, ibinigay ko rin.
Yung tipong kahit araw-araw
ikaw lang makasama ko, ayos lang sa’kin.
Para bang may kulang sa akin kapag wala ka –
kapag hindi kita nakita, ‘pag wala ka sa tabi ko.
 
Sa bawat pagkakamali mo,
tinanggap kita na para bang hindi ka nagkamali,
nakasanayan mo na ngang hindi ako suyuin
tuwing nagkakamali ka,
kasi alam mo kung gaano kita kamahal at alam mo rin na patatawarin naman din kita kahit hindi mo na ako suyuin pa.
Umabot pa nga sa puntong kahit ikaw na yung nagkamali, sa dulo, ako pa rin yung susuyo at hahabol sa’yo.
 
Pero mas pinili mo pa ring iwan ako.
Mas pinili mong sumuko sa atin.
Mas pinili mong umalis.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko alam kung ano bang mali sa’kin.
Hindi ko alam kung saan pa ba ko nagkulang.
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong masaktan.
Hindi ko alam kung bakit kailangan mo akong iwan.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleLIMANG ORAS
Next articlePaglisan Mo