Hindi ko Alam

by ChrsLynI | shared on He Said, She Said |

Hanggang kailan?
Hindi ko alam!
Hanggang saan?
Hindi ko alam!

Pagkatapos nang lahat ayos pa ba?
Masaya parin ba ako?
Kahit na wala na.
Hindi ko parin talaga alam!

Bakit nga ba hindi ko alam?
Bakit nga ba di sigurado?
Bakit palaging may siguro?
Bakit nga ba?

Bakit nga ba miss kita?
Bakit ba nawala ka na?
Bakit nga ba sa tuwing pipikit,
Ang nakikita ko’y ngiti mong marikit?

Hindi ko alam kung bakit.
Isipan ko’y puno nang tanong
Mga tanong na ang tanging sagot ay,
Hindi ko alam!

Pero bakit sa tuwing,
‘SINO?’ ang tanong,
Parating Ikaw!
Ang nag iisang sagot.

Kung susumahin,
Ang lahat nang pinagsamahan ay,
Hindi ko na alam.
Kung dapat manatili pa.

Kasabay nang pangako mong napako,
Paraiso mong bitin dapat ko nang kalimutan,
Muli ang tanong, dapat na nga bang limutin?

Sana lahat nalang ay hindi ko alam.
Para naman pati sa tanong na,
Sino si Ikaw?
Ay hindi ko din alam ang sagot!


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments