Hindi Lang Ito Basta Isang Tula

ni Ching
 
Mahal kita.
Hindi lang bilang isang kaibigan kundi higit pa.
 
Dahil ikaw ang siyang naging sandigan
Ikaw ang siyang nagsilbing sandalan
Dahil ikaw ang gumising ng aking kamalayan
At siyang muling nagbukas ng puso kong saraduhan
 
Mahal kita.
Hindi lang bilang isang kaibigan kundi higit pa.
 
Dahil ako’y iyong inalagaan
Inalala, pinasaya sa iba’t ibang paraan
Dahil ako’y iyong pinahalagahaan
Mga oras atpanaho’n mo’y iyong inilaan
 
Mahal kita.
Hindi lang bilang isang kaibigan kundi higit pa.
 
Sayo ko nakita ang tunay na kasiyahan
Na di ko nakita mapa- kanino man
Sayo naramdaman ng lubus- lubusan
Ang tunay na kahulugan ng pagmamahalan
 
Mahal kita.
Hindi lang bilang kaibigan kundi higit pa.
 
At nagpapasalamat ako sa Kaitaas- taasan
Na ikaw ay akin nang natagpuan
Nangangakong hindi ka na pakakawalan
At kailanma’y hinding- hindi pagsasawaan
 
Mahal kita.
Sobrang mahal kita.
Talagang mahal kita.
Pero bakit ang sakit- sakit na?
 
Nanlamig ka nalang sakin nang biglaan
Pinili mo siya at ako’y iniwanan
Sinabi mong “mahal kita”, pero bat di mo nakuhang ipinaglaban?
Bakit di mo man lamang magawang panindigan?
 
Mahal kita.
Mahal pa rin kita.
At kahit nasa piling ka na n’ya,
Ikaw pa rin ang tanging nakikita.
 
Na kahit na iniwan mo akong luhaan
Sira, durog at talaga namang sugatan
Umaasa parin na ako’y babalikan
At kahit kela’y hindi mo malilimutan.
 
Mahal kita.
At ulit- ulitin kong mahal kita.
 
Pero oo na, sige na! Tanga na kung tanga!
Hindi ko na rin kasi alam ang salitang “tama na”
Walang paki kahit nasasaktan na ng sobra
Kasi wala e, mahal talaga kitang g*go ka.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleIsang Mensahe
Next articleKasunduan