Hindi na Sana

by Akari Kyoya | shared on He Said, She Said |

Nagsimula tayo sa kamusta, ngunit hindi tulad ng karamihan, hindi tayo namaalam sa isa’t isa

Paalam… isang salita nais kong marinig sa iyong mga labi, ngunit hindi kakayanin ng aking pandinig

Minahal mo ako noong mga panahong hindi ko kayang mahalin ang sarili ko
Ngunit, nang handa nakong suklian ang pag-ibig mo ay may iba na palang taong inaalay ang sarili para sa’yo

Nang hahawakan ko na ang mga kamay mo pabalik ay bigla kang bumitaw… tumalikod,
umalis,
iniwan akong nagsisisi
dahil may naghihintay na pala sa iyong pagdating
Naghihintay na mahalin mo rin…

Mga bagay na dapat matagal ko nang ginawa habang akin ka pa at bago nahuli ang lahat

Aaminin ko, may pagkukulang ako
Pero hindi ibig sabihin ay mali ako

Hindi na dapat kita minahal
Hindi ko na sana ninais na suklian ka

Hindi na sana ako kumapit at hinayaan kang bumitaw

Hindi mo na sana ipinakita ang mundo, kung hindi mo ako sasamahang libutin ito

Hindi mo na sana ipinaitindi sa akin
Mga bagay na magpapaalala sayo at sa atin

Nauna kang tumalon, ngunit noong sumunod ako, tsaka ko lang napagtanto… Wala kang balak saluhin ako

Hindi mo na sana sinimulan, mga pagkakataong hindi mo wawakasan

Huli na ang lahat at alam kong wala na akong magagawa
Isang salita na lamang ang aking hinihintay…

At ako’y malaya na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments