Hindi Na

by Mary Angelica Bonifacio

Hindi na kita namimiss,
Hindi na kita hinahanap-hanap,
Hindi na ako nagpapalipas-oras sa mga coffee shops
habang naghihintay ng mensahe mo
kung maaaring magkita tayo…
Hindi na ako nagtatanong,
Hindi na ako nakikiusap,
Hindi na kita kinukulit kung pwede mo ba akong
bigyan ng kahit kaunting oras sa araw mo,
kahit saglit, kahit ilang minuto…
Hindi na ako nagtatampo,
Hindi na ako nangangarap,
Hindi na ako umaasang gusto mo rin akong makita,
dahil alam ko namang “hindi” ulit, “hindi” talaga,
at “hindi” palagi ang sagot mo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

 

Comments Go Here ▼

Comments