Hindi Sinasadya

by M | shared on He Said, She Said |

Ang landas natin ay pinagtagpo
kung saan hindi natin kilala ang isat’ isa
ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro
Pinagtagpo tayo sa mundo ng sugal

Sugal kung saan minsan talo minsan panalo
Tawagin nalang nating onpal
Lahat ng biruan ay napunta sa di inaasahang magaganap
magaganap na mahuhulog pala sa isa’t isa.

Ika’y umibig sa akin na akala ko’y laro lamang
Di nagtagal ako’y nabihag mo
Sa mga boses mo na kay sarap pakinggan
Sa mga boses mo na binigyang kulay ang buhay ko
Sa mga boses mo na lagi ko na hinahanap hanap.

Tulad ng sugal hindi natin alam kung hanggang saan
Kung hanggang saan tayo mananalo o matatalo
Dumating mga araw na di inaasahan tayo’y

Lalo nagtagal
Nagtagal sa paglayo
Nagtagal sa pakiusap
Nagtagal na wag muna
na sana’y dito ka lang

Hindi pala sapat ang mahal lang kita
Hindi pala sapat na mahal mo ako
Lalo na kung nasa mundo tayo ng magulo

Mahal kita aking sinta
Lagi mong pagkatandaan
Masaya ako naging bahagi ka ng buhay ko
Masaya ako nakilala kita

Kahit hindi lahat ay saya nadarama
Sapagkat nasaktan kita
Sapagkat nasaktan mo ako
Sapagkat mas nasaktan kita
Sapagkat ika’y lagi ko tinataboy palayo

Ngunit nariyan ka parin hindi sumuko
Salamat aking mahal
Pero lahat ng bagay may hangganan
Pinagtagpo pero hindi nakatadhana
Tinadhana pero di nagtagpo ang landas nating dalawa
Pasensya na aking mahal

Ako’y sumuko
Ako’y bumitaw
Ako’y naging manhid
Ako’y naging Bipolar sabi mo nga

Pero hindi ibig sabihin sa aking pag bitaw ay di na kita mahal
Simula ng araw na pagbitaw ko
Sa bawat araw oras ika’y nasa isip ko aking sinta

Mahal kita
Mahal parin kita hanggang ngayon
Ang aking pagmamahal kailan man hindi ito nawala

Oo siguro nga
Oo siguro nga nananatili parin itong aking nadarama
Oo siguro nga mawawala rin ito

Hayaan mo lang na mahalin kita
kahit na wala na tayo
dahil sa aking pagbitaw sayo
Hangga’t mahal kita

Kahit ako’y nasasaktan parin sa ginawa kong pag iwan sayo
Kahit nakikita kong masaya kana sa piling ng iba?

Aking mahal may tanong ako?!
Mahal mo pa ba ako?
Kung ako tatanungin mo

MAHAL PARIN KITA
Di ibig sabihin magiging buo parin tayo
Di ibig sabihin magiging tayo ulit

Tama na mga dulot na sakit nadarama bawat isa sa atin
Kahit sabihin nating
masaya ka at masaya ako
nananatili parin ang lungkot

Lungkot na wala na
Lungkot na wala na tayo
Lungkot na magkaibigan nalang tayo?

Magkaibigan pa ba nga ba?
Magkaibigan nga ngunit laging may tulay
Tulay patungo

kung saan
Kung saan paano tayo magbigayan ng salita
Darating ang panahon mawawala na ito

Aking nadarama sayo
Di natin alam
Di natin alam kung hanggang kailan
Darating din ang mga panahon na
Wala kana sa puso’t isipan ko

Darating din ang mga panahong
wala na
Wala na akong lugar sa puso mo
Ang mundo nating dalawa maliit lamang

Masyado tayo malapit sa isa’t isa
tadhana nalang kung makikita kita
pero alam naman natin naka dipende sa akin
Sa panahon na darating man mga oras na ‘yon

Makasubong ka na di inaasahan
Huwag kang mahiya
Nandito lang ako
Handang magsimula

magsimula na magkaibigan parin
Tanging gusto ko maging masaya ka
Tanging gusto ko masaya tayong dalawa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments