Hindi Titigil ang Pag-ikot ng Mundo Ko sa Pagkawala Mo

ni Jasmine Consignado |

“Iniwan mo lang ako, pero hindi titigil ang pag ikot ng mundo ko sa pagkawala mo.”

Ang fierce di ba? Sana ganyan na lang kadali ang lahat, nung oras na pinili mo na iwanan ako, nung mga panahon na napapaisip ako na saan ba? Kailan ba? At kung anu-ano pang mga tanong sa isip ko.

Iniwan mo ako sa di ko alam na kadahilanan. Parang hanging bridge na madaming hanging questions. Parang eroplano na naiwan sa ere. Parang dart board na na-bullseye agad. Parang gunting na pinagpira piraso na lang. Ganun yung feeling.

Masakit pero ganun talaga. Hindi naman porke’t iniwan na titigil na lang yung mundo mo kase nawala siya. Hindi siya ang buhay mo. Magpa-function pa din ang puso mo kahit wala na siya.

Masakit sa una pero kapag nasanay kang wala na siya mas magiging matapang ka na. Isipin mo na lang na mabuti na lang mas maaga mong nalaman na hindi siya yung guy o girl na para sa ‘yo.

Keep on fighting and be better. Yan ang best revenge na magagawa mo.

Don’t be bitter, be better!

Comments Go Here ▼

Comments