Holding On to Something That Isn’t There Anymore

Holding On to Something That Isn't There Anymore

from message sender “Divine” |

(We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.)

I was in a long-term relationship with R. I was just 17. We met in an unexpected situation.

To cut the story short. Ang saya-saya ng relationship namin. Di lang kami magkarelasyon, kungdi magbarkada din.

Then, dumating na sa puntong kinailangan n’ya nang magtrabaho sa malayo. Ako, kahit sa loob-loob ko parang di ko kakayanin. Di ko pinakita yung kahinaan, instead sinuportahan ko s’ya. Simula nung umalis s’ya walang araw di ako umiyak. Kapag tatawag s’ya, nauubos ang oras sa iyak ko. Namimiss ko s’ya ng sobra.

Then isang araw nagpakasaya ako kasama barkada, nagumon ako sa barkada. Pinagbawalan n’ya na ako pero sige pa rin ako. Hanggang sa dumating ang oras na kinatatakutan n’ya, nagkagusto ako sa isang tao. But then di naging kami. Dahil sa kalandian ko nasira lahat. Yun yung biggest na pagkakamali na hanggang ngayon pinagbabayaran ko pa rin.

Nalaman n’ya, hanggang nag-aaway na kami lagi. Dumating na sa puntong pagod na s’ya kakamahal sa ‘kin. Pinilit kong isalba, nagmakaawa ako na maaayos pa. Hanggang sa nalaman ko na lang na may girlfriend na s’ya in such a short time. While nililigtas ko yung sa amin, may taong nagpapasaya na pala sa kanya. Na alam ko naman matagal na n’yang ka-chat. Di ko lang napansin na na-fall na pala s’ya dun sa ka-chat n’ya.

Ilang buwan pa akong nagpaka-martir, di ako bumitaw, ipinaglaban ko pa rin. Hanggang sa anniversary namin, dahil ang sakit-sakit na. Pinapili ko na s’ya. Sabi n’ya mahal n’ya ako pero nandun na yun, ayaw n’ya masaktan yung tao.

Madaming ‘Bakit’ ang pumasok sa isip ko. Bakit kahit mahal n’ya ako, di pa rin n’ya mabitawan yung isa. Nalugmok ako sa kalungkutan, nagpabaya sa trabaho, di nakakatulog, di nakakain, gustong magpakamatay, iyak ng iyak, bumagsak ang kalusugan. Di ko alam kung anong gagawin sa buhay ko.

Ilang buwan akong naging ganun. Ilang beses ko isiniksik sa utak ko na it was my fault, it was ALL my fault.

Pinilit kong baguhin ang sarili ko, naging maingat ako sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko. Pinapasaya ko sarili ko sa mga bagay na meron ako. Barkada, trabaho at pamilya. Nagpaka-busy ako.

Then, siya naman nagmemessage pa rin. Iniiwasan ko din na magka-chat or text kami kasi mag-aaway lang kami. Masasaktan lang ulit ako sa mga sasabihin n’ya sa ‘kin. Pinilit kong maging strong.

Wala namang nagbago sa trato ng pamilya n’ya sa ‘kin. Ganun pa rin sila sa ‘kin. Bumibisita pa rin naman ako. Nung umuwi nga s’ya, pinapunta n’ya ako sa bahay nila. Ako namang si tanga, sumunod din.

Alam mo yung masakit? Yun yung ipamukha sa ‘yo na wala ka nang silbi sa kanya. Di ka kakausapin. Ipapahiya. Sa isip ko na naman, kasalanan ko na naman kasi pumunta ako. Lagi kaming ganun. Di pa rin ako maka-hindi sa kanya, yung you’re physically there pero di ka makita? Yung gagamitin ka lang? Yung pagkatapos nun wala na? Balik na naman sa dati? Yung temporary lang yung sayang nararamdaman mo? Yung ibibigay mo ang best mo, ipapahiya mo sarili mo para sa kanya. Iyung lahat ng sasabihin n’ya gagawin mo, ‘yung uuwi ka para sa kanya kasi gusto ka n’yang makita kaya naman todo effort ka. Iyung nag-e-effort ka pero di pa rin n’ya makita yun. Di n’ya pa rin ako makita. Di n’ya pa rin maramdaman yung pagmamahal ko sa kanya.

Mahal na mahal ko pa rin siya. Siya pa rin talaga, kaya di ko makita yung iba kasi sa kanya pa rin ako nakatingin. Masaya na s’ya pero isinisingit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Kung p’wede lang ibalik ang oras.

Dalawang taon na nakalipas, dalawang taon na din kaming ganito. Madami na rin ang nangyari sa buhay ko. Bakit umiiyak pa rin ako? Bakit ganun? Masakit pa rin. Mahal ko pa ba s’ya talaga? Bakit pa ako nasasaktan ng ganito? Ano nga bang mali sa ‘kin? Ako na nga lang ba ang nag-ho-hold on? Ako na nga lang ba ang lumalaban?

Ang tanga-tanga ko di ba? Bakit di na lang ako mag-move on? Tama ba ‘tong ginagawa ko? Kasalanan ko naman talaga di ba?

-“Divine”

He Said, She Said:

Hi Divine,

Isa lang masasabi ko sa ‘yo. TAMA NA! Dapat mo munang matutunan mahalin at pahalagahan ang sarili mo bago ka pumasok ulit sa isang relasyon. You need to stop letting other people treat you like a trash. You are worth more than the most expensive diamond in the world. Why? Because God loves you. Your family and friends love you. So show your ex kung ano ang nawala sa kanya. Stay away from him. Let him realize that you are worth fighting for. Kung hindi nya ma realize yun, then he is not good for you. Pray to God to help you start moving forward. But you should decide that you are ready to do it. Because prayer without action is useless. God bless. – Tita Jinky

Hi Divine,

It’s definitely time to let go and move on. However, it’s not that easy. You first need to physically detach from him from blocking him on FB, no more chats and texts — entirely! Otherwise, balik ka na naman sa umpisa. It’s a hard but absolutely necessary process.

Don’t worry, lahat ng nagmamahal ay nagiging tanga at one point in their relationships. So di ka nag-iisa. Kaya mo yan. Baby steps lang talaga. One day at a time. Drown out all the bad memories with new happy ones. That’s what we always say about letting the heart forget.

Immediately, stop blaming yourself. We all make bad decisions, especially when there’s some kind of emptiness in our hearts. That goes both ways, ok? So di lang ikaw ang may mali dito. From now on, stop fault-finding, but start God-finding. That means, ask God to enter your heart and start the healing process. Siya lang ang may kaya niyan. Because God resides in our hearts. Ayaw Niyang may kasama siyang kalungkutan.

Never start looking for a new love until you have fully healed. It will be unfair to both parties. Instead, find something new to do that will bring you happiness. Travel. Go out more with your friends, barkada.

Pray for wisdom and for God to reveal His next plans for you. God loves you. Remember that. – Tito Homer

Video: "When I Was Your Man" - Bruno Mars (cover by Jasmine Thompson)

Comments Go Here ▼

Comments