How can you let go of someone you love?

Photo via sydscarnivalofsouls.com

From message sender “Cris” |

Magandang araw po. Gusto ko po sana humingi ng tulong sa inyo about sa lovelife ko.

Ako po ay isang seaman. Nandito pa po ako ngayon sa barko at  mga two months pa po ako bago maka-uwi ng Pilipinas.

Photo via lighthouseantiques.net
Photo via lighthouseantiques.net

Apat na taon na po kami ng girlfriend ko. Nagtatrabaho po siya ngayon sa Qatar. First time po niyang lumabas ng bansa. Isa po siyang Baptist at ako naman po ay isang Catholic.

Kamakailan, naghiwalay po kami dahil sabi nya po sa akin, “God’s will.”

Nalaman ko pong may nanliligaw sa kanya sa Qatar. Di naman po ako nagalit nang malaman ko dahil may tiwala ako sa kanya. Kaya lang, tuwing magpapadala ako sa kanya ng bulaklak, nalalaman ko pong ipinamimigay niya ito at nagagalit siya sa akin.

Mahal na mahal ko po siya at gusto ko pa ngang lumipat sa kanilang religion para lamang maipakita ko na desidido akong ipaglaban ang pagmamahal ko sa kaniya.

Hindi ko po kasi lubos maisip na sa ganun lang at makikipaghiwalay na lang siya sa akin. Wala naman po akong alam na ginawa sa kanya na kasalanan.

Kay God na lang po ako kumakapit ngayon.

Ganito pala kasakit mawalan ng minamahal. Sobra ko kasi siyang minahal talaga.

Kailangan ko pa ba na ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya kahit na iniiwasan na niya ako?

Salamat po.

Cris

He Said: Sa ngayon, nararapat na respetuhin muna ang kanyang desisyon kahit na sabi mo ay wala ka namang kasalanan sa kanya. Hindi naman talaga hadlang ang religion sa mga taong lubos  na nagmamahal. Ipagdasal mo muna ang inyong sitwasyon. Malawak ang nais ng Diyos. Antayin ang Kanyang kasagutan.

May kasabihan: “If you love someone, set them free. If they come back, they’re yours. If they don’t, they never were.” Kaya sa ganang akin, mas makakabuti na hayaan na muna siya. Ipagdasal mo ang kanyang kaligayahan, at nawa’y makamit mo din ang kapayapaan.  Hayaan ang Diyos ang Siyang gumalaw sa buhay mo. Makakatagpo ka din ng nararapat sa yo. Mahal ka ng Diyos.

Ito ang pangako ng Diyos, mula sa Jeremiah 29:11 For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

She Said: Pagnilayan mong mabuti ang mga nangyari sa inyo sa apat na taon. Kung sa panahon na iyon hindi naging hadlang ang relihiyon, maaaring may iba pang dahilan. Bigyan mo muna sya ng space, ngunit huwag mong kalimutan na ipaabot sa kanya kung gaano sya kahalaga sa iyo. At higit sa lahat ipagdasal mo mabuti sa Panginoon kung ano ang kanyang kagustuhan. Walang imposible sa ating Maykapal.

Ito ang dasal na bilin ko naman sa iyo:

O Jesus, lover of the young, the dearest Friend I have, in all confidence I open my heart to You to beg Your light and assistance in the important task of planning my future. Give me the light of Your grace, that I may decide wisely concerning the person who is to be my partner through life.

Dearest Jesus, send me such a one whom in Your divine wisdom You judge best suited to be united with me in marriage. May her/his character reflect some of the traits of Your own Sacred Heart.

May s/he be upright, loyal, pure, sincere and noble, so that with united efforts and with pure and unselfish love we both may strive to perfect ourselves in soul and body, as well as the children it may please You to entrust to our care. Bless our friendship before marriage, that sin may have no part in it.

May our mutual love bind us so closely, that our future home may ever be most like Your own at Nazareth. O Mary Immaculate, sweet Mother of the young, to your special care I entrust the decision I am to make as to my future wife/husband.

You are my guiding Star! Direct me to the person with whom I can best cooperate in doing God’s Holy Will, with whom I can live in peace, love and harmony in this life, and attain to eternal joys in the next. Amen.

We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.

Feel free to send us a private message on our Facebook Page.

Comments Go Here ▼

Comments