Hugas Kamay

by Julia Asonto | via Margarette Noona | shared on He Said, She Said |

Napansin ko na hindi pa rin pala natatanggal
ang isinulat na pangalan ng aking kaklase
sa aking kamay gamit ang matinding tinta.
Naisipan ko nang burahin,
ayaw ko nang tumagal ang mantsa pa.
Naisipan kong pumunta sa banyo at basain ng tubig.
Ayaw mawala.
Pinilit ko ng pinilit, gumamit na ako ng sabon.
Ayaw mawala.
Kinukuskos ko ngunit nagiiba lamang ang kulay,
mas tumitingkad pa nga.
Ayaw mawala.
Habang may umaagos na tubig sa aking kamay
at naka tingin ako sa mas tumingkad na mantsa:
Naisip ko na may mga bagay sa mundo
na mas magtatagal at magtatagal kung pipilitin nating wala,
Gaya ng pagmamahal ko sa kanya.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments