Huling Ngiti

by JC Ona | shared on He Said, She Said |

Naaalala mo pa ba yung pakiramdam nung una mo akong nakita?
Ako kasi oo, naaalala ko pa.
Yung pakiramdam na ikaw lang yung hangad makita
Yung pakiramdam na gustong gusto ko madama
Yung pakiramdam na ikaw lang ang nagbibigay ligaya
Hanggang isang araw sinagot kita.
Nakita ko sa iyong mga mata yung saya na di ko inakala
Binigay mo sa ‘kin yung mga salitang nagbigay pag-asa
para muli akong maniwala, sa pagmamahal
na di ko lubos inakalang makakatamtan pa
Nangako tayo sa isa’t isa ng magagandang pangarap
Ngunit mahal ko, nakalimot ka
Nakalimot ka dahil may nakilala kang iba
Pero hindi ako bumitaw,
dahil baka ako na lang yung naniniwalang magbabago ka pa
Nasaktan akong makita kung ano yung nakita ko
sa iyong mga mata nung araw na sinagot kita
Dahil alam kong di na ako ang dahilan ng iyong saya
Nasaktan akong makita na dahan dahan mo na akong binibitawan
Pero pumikit lang ako dahil sabi ko,
naguguluhan ka lang sa bagong kilig na iyong nadarama
Hanggang sa isang araw pagising ko, wala ka na.
Iniwan mo ako. Pinabayaan mo ako.
Hinayaan mong isipin kong nagkamali ako kaya ako’y iniwan mo
Hinayaan mong masaktan ako kakaisip kung nagkulang ba ako
Hinayaan mong maramdaman kong wala na akong halaga
Masakit pero wala na akong magawa kundi tignan kang masaya na sa iba
Oo, di na ako yung nagbibigay sa ‘yo ng saya
at alam ko din na pagmamahal mo ay nawala na
Pero mahal, naaalala mo pa ba? Nung unang nginitian kita?
Dahil yun yung ngiti na puro lang saya
Patawad kung iiwan na kita.
Dahil alam kong wala ng rason para kumapit pa
Sa pagalis ko, baunin mo sana yung ngiti na sa ‘yo ko lang pinagkatiwala
Huling ngiti at di mo na muling makikita pa.
Paalam at salamat, sobrang minahal kita.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleDear Brain
Next articlePaasa