Huling Paalam

by Jhelhar | shared on He Said, She Said |

Dalawang taon na ang lumipas
Mula ng ika’y mag paalam
Isang paalam na wala na talagang balikan.
Isang gabi na bumago sa buhay ko
Isang gabi na sana isinama mo na lang ako sa paglisan mo.
Dalawang taon na ang lumipas
Nguni’t yung sakit parang kahapon lang.
Sana kaya kong ibalik ang kahapon
Yung kahapon na kasama ka pa
Yung kahapon na yakap ka
Kaso alam kong imposible na.
Alam kong masaya ka na d’yan
Kasama ng Ama nating may Likha.
Mahal,hintayin mo ako d’yan ha
D’yan sa lugar na wala ng paalamanan.
D’yan sa lugar na p’wede nating
ituloy ang ating pag mamahalan..
Sa ngayon Mahal paalam,
Itutuloy ko muna ang ikot ng mundo ko…
‘yung mundo ko na wala ka na sa piling ko.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleBilang
Next articleU