Huling pagkakataon

by The-one-that-got-away | shared from He Said, She Said |

Bago ang lahat gusto ko lang ipaalala sa iyo, ang mga panahon natin na kinalimutan mo para lang makasama siya.

Mag uumpisa ako sa una nating pagkikita, sinabi mo sakin noon na hindi mo ako makausap dahil nahihiya ka sakin. Pero bakit? Nung iniwan mo ako para sa kanya, hindi ka man lang nakaramdam ng hiya?

Naalala mo pa nung araw na tinanong mo ako kung pwede mo ako maging girlfriend? Syempre ako ‘tong si tanga na umoo dahil mahal na mahal ka. Pero bakit? Bakit sa isang iglap napalitan yan ng ‘Ayaw mo na?’

Ayaw mo na?! Ayaw mo na ba kasi may nahanap kana? Ay mali, doon ako nagkamali. Kahit pala nung una ay palagi ko na iyan naririnig mula sa iyo. Alam mo naman kung bakit diba?

Kasi sa tuwing magkakaroon tayo ng tampuhan, o hindi pagkakaintindihan. Ang gusto mo lagi ay tapusin kung ano mang meron sa atin. At ako ‘tong si tanga na hahabol sa iyo para lang hindi mo ako iwan, magkakaayos tayo at sasabihin mong hindi mo sinasadyang sabihan ako ng masasakit na salita.

Pinapatawad kita kahit sobrang sakit na. Minahal kita kahit sobrang hirap mong mahalin. Hindi ako nakinig sa mga sinasabi nila na tigilan na kita dahil sinasaktan mo lang ako. Wala akong makita at pinapakinggang iba, walang iba ikaw lang.

Ikaw lang naman eh, Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama, ikaw lang walang iba. Pero bakit? Bakit nagkaroon ka ng ‘iba.’

Naalala mo pa noon? Yung panahon na kinausap ako ng pinagseselosan mo? Nagalit ka sa ‘kin at gusto mo akong iwan. Ako’y lumuha ng sobra sobra dahil sa pagkakataon na iyon ay hindi kita lubos na maunawaan, hindi ko naman kinausap diba? Hindi ‘ko iyon pinansin, pero bakit ganun pa din ang iyong reaksyon? At ako nanaman itong si tanga, hinabol ka at nagkaayos tayo.

Naalala mo din ba yung panahon na magkausap kayo ng ex mo? Magkausap kayo pero hindi ko alam. Nung nalaman ko iyon syempre nagselos ako, dahil alam kong wala akong panama doon bukod sa ex — eh alam ko kung gaano mo minahal iyon bago ka mapunta sa akin. Pumunta iyong ex mo sa inyong bahay, dahilan para sobra akong masaktan, ngunit pinatunayan mo sa akin na ako na ang iyong mahal, kahit gabing gabi na iyon ay pumunta ka pa sa amin para lang hindi siya makasama, salamat sa pagpili sa akin.

Salamat din sa mga efforts na binigay mo sa akin tuwing magcecelebrate tayo ng monthsary, salamat din kasi pagtapos mo akong bigyan ng ganun, ay magaaway nanaman tayo at gusto mo nanaman akong iwan, gustong gusto mo talagang hinahabol kita. Wala eh, sobrang tanga ko para mabulag at hindi napansin na ako’y niloloko na pala..😊

Nagkaroon ka ng mga bagong kaibigan, na naging kaibigan ko din ang ilan sa kanila. Sabi nila na sobrang mahal mo daw ako at maswerte ako. Lahat sila may mga kasintahan din, ngunit ang isa sa mga iyon ang kaisa-isang pinagseselosan ko ng lubos bukod sa ex mo.

Bakit nga ba ako nagseselos doon? Kasi iba ang aking pakiramdam. Masyado siyang madikit sa iyo, kahit na mayroon siyang kasintahan. Sobrang close kayo hindi ka naman ganun sa ibang babaeng kaibigan mo.

Naalala mo ba nung umalis tayo? Doon ako nagsimulang magselos sa kaniya, kasi kasama natin siya habang hinihintay ang iba pa nating kasama, tapos naka akbay ka sakin, at naka akbay ka din sa kanya.

Naka akbay ka sakin, at sa kanya din? Sino nga ba ang hindi magseselos doon? At nung araw na iyon ay nagaway tayo, bigla kang tinopak nung hindi ako nagsasalita.. hindi mo kasi alam na nagseselos na ako. Nagaway tayo at gusto mo nanaman makipag hiwalay, ang sabi mo pa sakin nun sumama ako sa mga kaibigan ko na kasalukuyang naglalaro sa loob ng Timezone, naiwan kayong dalawa.. ng aking pinagseselosan.

Nakatingin lang ako sa inyo sa malayo, naguusap kayo. Hindi ko maintindihan, umiyak ako ng umiyak sa mga kaibigan ko nun. Pero syempre nung nakita mo akong umiyak ay hindi mo ako agad kinausap pero laking tuwa ko nung bago tayo umuwi ay niyakap mo at sinabing humihingi ka ng tawad sa hindi pagpansin sakin. At nadala ka nanaman ng emosyon mo kaya ka nakipaghiwalay sakin at muli kitang tinanggap.

Ang tanga tanga ko eh no? Ako yung babae, pero ako ang naghahabol sa iyo. Pero mas tanga ka, dahil hindi mo alam na may alam ako.

Simula noon ay pinaiwas kita sa babaeng iyon, alam kong mali pero mas mali ang inyong ginagawa. Ang lagi mong sinasabi sa akin na hindi mo na siya nakikita, nakakasama at nakakausap. Naniwala ako sa iyo, naniwala ako sa mga salita mo na sobrang nanakit sa akin.

May nagsasabi sakin nakikita kayong magkasama ng babaeng iyon, at tinatanong kita kapag magkasama tayo kung nagkikita at nagkakasama pa ba kayo, at iyon nanaman ang iyong sagot na aking pinaniniwalaan.

Pero dumating ang ating 10th monthsary, binigyan mo ako ng letter na sobrang haba, hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung binigay mo sa akin iyon, pero hindi ko alam na sa araw na iyon ay sobra din akong masasaktan.

Nung araw na iyon nalaman ko na kasama mo pala ang babaeng aking pinagseselosan habang ginagawa mo iyon, ang sabi mo.. hindi na kayo nagkikita, nagkakasama at nagkakausap.

Pinatawad kita nun, kahit nabawasan na yung tiwala ko sayo, ay mali. Nasira mo na ang tiwala ko. Tinanggap kita uli, pero habang tumatagal, nararamdaman ko na may nagbabago sa ating dalawa. Until nagaway nanaman tayo, at sinabi mong ayaw mo na.😊 At syempre tao lang ako napapagod.. nagsasawa.

Napapagod na akong humabol sa iyo, nung araw na sinabi mo sa akin yun. Naisip ko na pakawalan kana, at sakto kasama ko yung mga classmates ko nun that time. Inaya ko silang uminom kahit kaunti lang, habang nakikipagusap ako sa kanila nagchat ka sa akin.

‘May iba kana ba?’ napakagandang tanong nyan haha ako pa talaga ang tinanong mo. Para lang hindi na humaba ang usapan, sinabi ko sayo na ‘oo’ mayroon akong iba. Then hindi na tayo nagusap, pinagkalat mo na niloko kita. Hinayaan ko na lang, doon ka naman siguro sasaya eh.

Ito na ang huling pagkakataon na babalikan ko ang mga iyan. Kasi ngayon? Masaya na ako, masaya na ako kahit wala ka. Nakakayanan ko ng mabuhay ng masaya kahit wala ka. Salamat sa mga panahong pinasaya, pinaiyak at sinaktan mo ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments