Huling Tinta

Huling Tinta

ni Nikki C. Pante

Tinuruan mo ako kung paano magsulat ng tula
Kung paano sadyang lumalabas ang mga salita
Na sa bawat letrang aking binibigkas
Parang ayoko na ito lagyan pa ng wakas
Kasi nga ikaw ang nagturo sa akin kung paano gumawa ng tula
Kung paano ang lungkot ay napalitan ng tuwa
Na sa bawat pagpatak ng tinta ng plumang ito
Ngiti sa labi’y naging totoo

Ngunit hindi ko alam kung bakit nagkaganito
Na ikaw na nagturo ay iiwan rin ako
Iniwan mo ako na parang mga letra
Hindi alam kung ano ang ibubuong salita
Iniwan mo ko na parang pluma
Na nawalan at naubusan ng tinta
Tinuruan mo ako kung paano magsulat ng tula
Kung paano ang tuwa
Ay napalitan ng umaagos na luha
Na sa pagpatak ng huling tinta ng plumang ito
Ang pagtatapos ng storyang “ikaw at ako”

Comments Go Here ▼

Comments