Huwag Mo Akong Itago, Mahal

by Julia Asonto | shared on He Said, She Said |

Sa tuwing walang gana mong sasabihin sa akin
ang salitang “mahal kita”
Mapapakagat ako sa aking labi, sabay hinga ng malalim,
biglang tanong sa aking isip kung, “mahal ba talaga?”

Sa tuwing lalabas ka ng bahay at aalis,
at magbabakasakali akong sumama,
uutusan mo akong magbihis at pagbalik ko wala ka,
tumatakas ka, oo.

Sa tuwing hindi mo man lang mahawakan
ang aking mga kamay at mahagkan ng mahigpit
ang aking mga braso at magsasabi ako ng,
“mahal magdikit tayo” ngingiti ka ng sarkastiko
sabay bulong, “p’wede ba! ‘wag dito”

Napakadaming tanong ang minumulto ako
sa gabi kada magkatabi sa ‘yo iisang kama,
magkahiwalay na unan, kumot, at malaking harang.
Naiipon sila, walang hangganan.

Ngunit ayaw kong itanong dahil mahal,
ayaw kong maiwanan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments