I Thought It was Forever

by JKV | shared on He Said, She Said |

I just wanted to say thank you for 9 months of ups and downs, thank you for being my best friend, my poging taga tapik ng balakang ko every time na may disminoria ako, my Jerald Napoles ng buhay ko, my joker, my companion and my everything.

God knows how thankful I am that you came into my life.

I thought it was forever. Hindi pala. The nine months was so amazing and wonderful. Actually para sa ‘kin nasa ‘yo na lahat ng katangian na gusto ko sa isang boyfriend.

Oo hindi ka guwapo, kaya madalas sinasabi nila bilhan mo daw ako ng helmet kase baka mauntog ako at matauhan. Pero hindi ko naman kailangan ng guwapo, at mas minahal kita dahil sa mga ginagawa mo para sa ‘kin because you always want the best for me.

Halos everyday magkasama tayo. We’re too attached to each other, and besides ikaw pa nga yung dapat bilhan ko ng helmet, kase ikaw yung baka mauntog at matauhan, kase ako itong laging may topak. Madalas inaaway kita ng walang dahilan. Napaka moody ko. Umiiral lagi pagka-childish ko. Tinatarayan lang kita palagi.

Pero kahit na ganoon, nandyan ka pa din parati para sa ‘kin. Hindi mo ako iniiwan. Ako nga ‘tong lagi sumusuko pag nag aaway tayo. Lagi kitang tinataboy.

Nine months mo din tiniis ‘tong ugaling ‘to. Nasanay nga ako sa mga ganoon mo eh. Yung pag may problema tayo, ikaw ‘tong sumusuyo. Naging kampante ako na babalikan at babalikan mo ako.

But all of a sudden, things changed. Sumuko ka na ng tuluyan. Ni ayaw mo na akong balikan eh. And i think it’s for good now. Sabi mo pa nga daw “ginawa ko’ng lahat para sa kanya.” Siguro napagod ka na. Sorry I failed your expectations.

Kapag tinatanong nga nila ako kung bakit hindi tayo nag work, lagi kong sinasabi na kasalanan ko. Yes I admit it, na ako din yung dahilan bakit tayo nagkahiwalay. But I am okay now because I need to be.

Dahil habang tumatagal unti unti kong nararamdaman na wala na, oo wala na nga, wala na yung lalaking akala ko ako lang yung gugustuhin at mamahalin.

Pero ngayon nakikita ko naman na happy ka na kase YOU DESERVE NOTHING BUT THE BEST. Seeing you happy makes me happy.

Thank you for everything na ginawa mo sa ‘kin na appreciate ko lahat yon. I will miss our kulitan, tawanan, asaran, travels, movie marathon, food trip ahhh, basta I will miss everything about you.

So, to the girl who’s making him happy, please take good care of him. I think I am not enough that’s why I lost him. He prefers home dates. Mas gusto n’ya yung pinagluluto s’ya. Favorite n’ya tokwa, pancit canton kalamansi. Allergic s’ya sa shrimp, crabs, pusit, alamang. Hindi s’ya gaanong mahilig sa spicy foods, dipende pag nasa mood s’ya. Kung lalabas naman kayo sa Amelitos lang ok na. Unli rice eh. Gustong gusto n’ya yung chicken bbq — nakaka tatlong rice s’ya dun.

He doesn’t want too much make-up on your face. Minsan nga kilay na lang binubura pa n’ya pag trip nya. Pag galit s’ya ‘wag mong sabayan. Let him be kasi, siya din yung lalambing sa ‘yo. Don’t argue over simple things. Pinaka ayaw n’ya yun.

He loves long sleep and cuddling. Lagi ka n’ya aasarin hanggang sa mapikon ka kasi para sa kanya cute yun. Pag may laro naman s’ya ng basketball ng mga barkada n’ya, samahan mo s’ya kasi gusto ipasikat yung pang 3-points n’ya na madalas palpak. Pag may laban s’ya, mapa taekwondo man o basketball, ipag cheer mo siya.

Lastly, mahalin mo yung family n’ya, kasi nakita ko gaano n’ya kamahal yung family n’ya.

Just take good care of him.

Thank you for the wonderful memories.

Thank you for being part of my life.

Sorry for all the pain and heartaches.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleKaibigan
Next articleDance with Me