I’d Rather Leave

I'd Rather Leave

from message sender “Badette” |

(We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.)

Good day,

Hindi ko na kaya ang harapin ang sitwasyon ko sa buhay ko ngayon especially the life with my partner. Naghahanap ako ng sagot sa mga tanong na umiikot sa isip ko. Dahil wala akong mapag sabihan ng kung ano ang nararamdaman ko, naisipan ko mag search ng ealionship advice sa google until i found “HeSaid, She said”. Kaya heto po ako ngayon lumalapit sa inyo at hoping na mabigyan nyo ako ng advice kung ano ang dapat gawin.

I met a man in a resort ng sinama ako ng friend ko na friend din nya, that was year 2010. His name is Ernie, he was 39 then at 28 years old ako. May 5 anak at hiwalay daw sa asawa. May boyfriend ako that time at dalawang anak. pero dahil sa hindi alam na dahilan ay na fall ako kay Ernie at iniwan ko ang aking boyfriend kapalit niya.

To make the long story short, nagka relasyon kami at tumira sa isang bubong, sa bahay niya kasama ang 5 anak malalaki na. At the first year ng pagsasama namin maganda naman ang hinantungan, naging magandang influence siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Marami kaming mga bagay na binago para sa isa’t isa. Dati siyang lulong sa Casino, natulungan ko siya sa pagbayad ng utang nya at nagbago na after.

Madalas kong naririnig yon na pinagmamalaki niya sa mga kaibigan nya. At ako naman kung dati gimikera at pa palit-palit ng trabaho, since sinabihan niya ako nagtagal ako sa isang company.

Unang dalawang taon ng pagsasama namin, nakita ko na okay naman at hiwalay nga sila ng ex wife nya na nuon ay nagtatrabaho sa Singapore. By the way, nakatira pala kami sa bahay na pag-aari ng tatay ni Ernie, na kung saan dito din tumira si ex wife with their kids. Until one time umuwi si ex, hindi ko alam na kahit hiwalay na sila dun pa rin siya uuwi sa bahay na tinutuluyan namin.

So ginawa umalis ako dala ng mga damit. Sobrang sakit sa akin na kailangan ko gawin ang ganon para lang walang maging problema. The girl usually stayed in the Philippines for 1 week, so 1 week din akong palipat-lipat ng tutuluyan. May sarili akong bahay pero hindi ko kayang umuwi doon dahil for sure magtataka ang nanay ko bakit everyday ako umuuwi. Ayaw ko din sabihin sa kanya ang sitwasyon ko. Habang nasa trabaho ako, magkakasama sila buong pamilya, pasyal sa family side ng babae, pasyal sa family side ng lalaki, shopping, going out. They act as a family as if wala sila pareho partner.

May boyfriend din kasi si ex sa Singapore na American. Hatid-sundo kasi ako ni Ernie sa work, pero kapag nandiyan si ex kahit ilang oras ako maghintay sa kanya wala lang. Ok lang basta sila ang hindi iiwan. Ang routine namin is sa gabi kasama ko naman si Ernie natutulog, pero pagkahatid sa akin sa work sila na magkakasama.

Year 2013 nabuntis ako. Sinadya namin yon at pinlano. Tinanong ko siya one night kung bakit hindi ako nabubuntis hindi naman kami nagko-control, sabi sa ‘kin hingin ko daw kay God, so that night nagdasal ako ng mataimtim at hiningi sa kanya na bigyan kami ng anak. Binigay ni God ang hiling ko, nalaman ko na buntis ako a month after na nag pray ako. Ang buong akala ko magbabago ang sitwasyon kapag may anak na kami pero mas lalong lumala.

Hindi namin kasama sa bahay ang anak namin, iniwan ko siya sa mama ko dahil nagtatrabaho ako at every Sunday lang namin siya pinupuntahan sa Porac. Napapadalas ang uwi ni ex wife, minsan twice or thrice a year. Dahil madalas din namin pinag-aawayan ang ganong sitwasyon ako ang gumawa ng paraan para maayos ang sitwasyon.

Bumili ako ng bahay para may mauwian kami kapag umuuwi si ex. Pero ganon pa din, pagkahatid sa work sila pa rin magkakasama. Hindi nila ako nirerespeto, uuwi sya kahit anong oras nya gusto. Kahit alam niyang takot ako na walang kasama sa bahay.

Dumating na sa point na dahil sa sobrang sama ng loob ko, nag message ako sa kanilang lahat pati sa mga anak. Alam nila na may kasama na ang kanilang ama, hindi man lang nila na limit ang oras na magkakasama sila. At open pa sa public, nakikita ng mga co-workers ko at lahat ng mga kakilala namin. Lumilitaw tuloy na kabit ako. Kapag inaaway ko siya ako pa ang mali. Narrow minded daw ako, ginagawa lang daw nila yun para sa mga aank nila. Masaya sila kapag nakikita na masaya ang mga anak nila. Mahal ko po si Ernie, dahil hindi ko matitiis na gawin sa akin ang mga bagay na yun kung hindi ko siya mahal. Ayaw ko mawala sya sa akin lalo na nganyon na may anak na kami. Lumaki akong walang tatay, ayaw ko sanang mangyari yun sa anak ko.

For your information po pala, ni isang kusing walang tinutulong na financial sa akin si Ernie. Lahat ako, kahit sa gastos sa anak namin ako lahat. In short kung titingnan natin wala man siyang pakinabang sa akin. Bakit hindi ko siya kayang iwan? Humihingi ako ng sign kay God, kung dapat ko na ba siyang iwan at ayusin ang buhay ko. Matigas lang ang ulo ko kahit may sign na pinipilit ko pa rin makisama sa kanya.

Until this year nagkapatong-patong na ang problema ko. Nawalan ako ng trabaho, nawalan ng savings. So broke talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pati dalawang anak ko hindi ko na alam kung paano ko tutustusin ang pangangailangan nila.

Sa tingin niyo po, bakit kaya akong tiisin ni Ernie pero lagi niyang sinasabi na mahal niya ako. Ngayong panahon na hindi na ako nagtatrabaho, buong maghapon nasa bahay lang ako pero uuwi lang sya dito para matulog. The whole day nasa isang bahay siya kasama ng mga anak niya. Uuwi siya kahit ano’ng oras niya gusto at tatabi lang sa pagtulog. Pag gising sa umaga kahit hindi pa nag aalmusal magmamadali na naman para umuwi sa bahay niya. Hindi man siya nagtatrabaho, the whole day dun lang siya. Ang sakit isipin na for 7 years nagpaloko ako sa kanya. Pilit kong pinaniwala ang sarili ko na mahal niya ako.
Ngayong na confine siya sa hospital, nagka-mild stroke nung Sunday at na-operahan sa ulo. Kasama ko ang kambal niyang anak sa una na nagdala sa kanya sa hospital.

Nung Sunday ding yon nalaman ng ex wife niya ang nangyari. Umuwi sila agad-agad kasama ang dalawa niyang anak. Ang masakit ngayon sa akin, ako ang kasama for 7 years, ex na lang siya bakit siya ang nandun sa hospital kinukuha ang posisyon ko. Ayaw kong mag iskandalo dahil may pinag-aralan ako pero this time awang-awa na ako sa sarili ko. Parang ginagamit lang nila ako.

Mahal ko si Ernie, gusto ko ako ang mag-alaga sa kanya. Gusto ko ako ang nakikita niya pag minumulat niya mga mata niya. Kinukuha nya pwesto ko, para lang akong bisita pag nandun ako sa hospital.

Tulungan niyo po akong mag desisyon. Nag-walk out ako kagabi dahil hindi ko na kaya. Tama po ba na sa ganong sitwasyon ni Ernie ay nag-decide na ako na iwan ko na siya. Ako na lang ang iiwas tutal ganon naman ang gusto nila.

Ano pa ang role ko dun? Alam ko ang sasabihin ng nga parents and pamilya niya, lilitaw na wala akong care, may sakit siya pero yun pa rin ang iniintindi ko. Hindi ko na kasi kayang makipag-plastikan sa kanila. Nahihirapan na ako. Gusto ko nang ayusin ang buhay ko kasama ng dalawang anak ko. Nagpatali at nagpa-uto ako for 7 years. Dahil matigas ang ulo ko, tama po kaya ang naisip ko na ito na ang last sign na binigay sa akin ni God pinapakita na dapat ko na talaga siyang iwan. Kasi kung wala na talaga sila, hindi na ganon ka care si ex sa kanya.

Please advise po.

Thank you,

Badette


He Said, She Said

Hi Badette. Una sa lahat, hangga’t hindi sila annulled, kahit hindi sila nagsasama, sa mata ng Diyos at  tao ay kasal sila. Isang pamilya. Kaya tama ang pakiramdam mo na kabit ka lang. Pasensya na, pero kailangan namin na maging prangka, kasi baka walang ibang magsabi sa iyo nito kaya kami na lang. Hindi ka namin hinuhusgahan dahil hindi ka lubos na kakilala. Pero base sa kuwento mo yung ang sitwasyon mo. Kaya kung karapatan ang pag uusapan, yung asawa niya ang mayroon nito.

Pangalawa, talagang mahirap ang pinasok mo. Kung sa tingin mo ay kailangan mo na siya layuan, gawin mo para sa ikakatahimik mo at para maayos mo na din ang buhay mo at buhay ng mga anak mo. Kagaya ng sinabi mo, wala ka namang support na natatanggap mula kay Ernie. Pray for clarity of mind. Pray for discernment. Pray for guidance. Pray for wisdom. Ask the Lord to help and guide you in the right direction. Your best weapon is prayer. We pray that you’ll be able to make the right decision. Always remember life is beautiful and simple. Enjoy and don’t complicate it. God bless you!

– Tito Homer & Tita Jinky

Video: I'd Rather Leave While I'm in Love - Rita Coolidge

Comments Go Here ▼

Comments