person-woman-camera-taking-photo

Ikaw at Ikaw pa rin

by Aedrian Daquis | shared on He Said, She Said |

Ilang tinta na ng panulat ko
ang nasayang
Dahil di ko alam kung paano ko
to sisimulan
O kung ano ang tamang salita o letra
na kayang magbalik ng araw
na tayong dalawa ay magkasama pa

Hanggang sa muli kong maalala
ang ngalan mo mahal
Ngalang pinangarap kong
makasama sa hangganan
ng aking buhay
Ngalang handa kong isakripisyo ang lahat at ipaglaban
Ngalang ihaharap ko sa Diyos sa loob ng simbahan
Ngalang aking igagalang kasabay ng pag respeto
At ngalang nais kong maging reyna
Sa palasyo ng isang simpleng lalaking katulad ko

Mahal, para sa ‘yo ‘to

Kasabay ng paggalaw nitong mga mata kong nagmamasid sayo
At pilit naniniwala na sana naaalala mo pa ako at yung salitang TAYO

Naaalala ko pa ‘ yung araw na ibinigay mo yung salitang “oo”
Kasabay ng lagaslas ng mga alon
sa dalampasigan

Mahal, naalala mo pa ba
‘Yung araw ng pagtatagpo nating dalawa
Kasabay ng pagkislap ng ating mga mata
Na wari ba’y matagal ng nagkakilala

Pana’y kabog ang nangibabaw
Sa puso kong tila sasabog na
At utak kong walang humpay na sumisigaw
Ng ikaw na!

Ikaw na, ang itinakda nitong tadhana
Na makakasama ko hanggang sa dulo nitong daan na aking kinatutung- tungan

Mahal, naaalala mo pa ba
‘Yung araw na lumuhod ako sa ‘yo
Kasabay ng mga mata kong nakatitig sa mga mata mo
Sa harap ng mga magulang mo
Ay siya ring paghingi ko ng iyong mga kamay
Kasabay ng pagtanong ko sayo
Na mahal, maari ka bang maging kabiyak nitong puso ko na walang bukang bibig kundi ikaw

Mahal, naalala mo pa ba
‘Yung araw ng kasal nating dalawa
Sa saliw ng tugtog nitong kanta
Sa harap ng lahat ng taong naging parte ng ating buhay
Ay sabay nating isinumpa na walang hiwalayan
Umabot man tayo sa sukdulan

Mahal, naalala mo pa ba
‘Yung mga sandaling sabay nating pinagmamasdan ang mga bituin
At nangako sa isa’t isa na di na maghihiwalay pa

Naalala ko pa
Lagi tayong nag lalakad sa tabi ng dalampasigan
Magkahawak kamay, kasabay ng ating walang humpay ng kwentuhan at tawanan

Wala tayong problemang sinukuan
Kasabay natin ang isa’t isa sa pakikipaglaban

Subalit ang inasahan kong perpektong tayo
ay parang bulang naglaho at nilipad na ng hangin papalayo
Irinatay ka sa higaan niyang sakit mo
Kasabay ng pagbagsak ng iyong katawan
At mundo mong naging matamlay na

Ang sakit pala sa pakiramdam na nakikita mo
na ang taong mahal mo ay nahihirapan
Na tila ba isang katapusan
Na sa bawat sandali ay tangis ang iyong maririnig
Hanggang sa unti unti ng mawalan ng tinig

Kaya’t sabi ko hindi na ako dapat
magmasid lang
Sa harap ng taong mahal ko na nakahimlay sa loob ng apat na sulok na k’wartong ito
Lahat ay aking gagawin
Mapanumbalik lamang ang dating kulay ng iyong mundo

Mahirap mang isipin na aabot tayo sa ganito
Pero nakahanda na ang sarili ko kasabay ng pagikot ng mga gulong na kinalalagyan ko
Kasabay ng pagkislap ng mga ilaw
Kasabay ng pagtagistis ng mga tila metal na bagay
Kasabay ng pagkawala ng pakiramdam
At kasabay ng dahan dahang pagpikit ng aking mga mata
Ay pilit ko pa ring hinablot ang iyong mga kamay
At humiling sa panginoon na sana maging maayos ka na

Mga mata kong nanatiling nakapikit
Ay siyang kasabay naman ng iyong pagmulat
Na tila ba mundo nati’y nagkabaliktad na
Lahat ay wala na
At tanging sarili mo na lang ang natira

Kadiliman ang sa mga mata ko’y lumaganap kasunod ng kaliwanagan at isang mahabang hagdan
Patungo sa lugar ng kaginhawahan at kaluwalhatian

Mahal, pasensya na kung ikaw lang pala ang lalakad hanggang sa dulo ng daan
Pasensya ka na kung ikaw lang pala hanggang sa hangganan ng buhay
Pasensya ka na kung tila ba mundo mo’y nawalan ng kulay
Pasensya ka na kung naiwan kitang nag-iisa
At pasensya ka na dahil mas pinili kong mawala at magsakripisyo para lang sa ‘yo
Sapagkat masyadong masakit ang lahat ng ito
Masyadong napadali ang pagiwan ko sa ‘yo
Masyadong mabilis ang pagkawala nitong pagsasama nating naging matibay
At masyadong napaaga ang ating paghihiwalay

Paghihiwalay na masyadong malabo ng mga kamay nati’y magkatagpo
Paghihiwalay na wala ng ikaw at ako
Paghihiwalay na nasa magkabila ng mundo
Paghihiwalay na umabot na hanggang dulo
Paghihiwalay na permanente na
Paghihiwalay na sobrang labong mabago pa
Paghihiwalay na ikaw at ako ay wala na
At paghihiwalay na dapat nating tanggapin
Na ako’y nasa kaitaasan na

Hindi ko pinagsisisihan na iligtas ka
Na isakripisyo ko ang lahat, maging buhay ko para lang sa ‘yo
Sapagkat para akong mamamatay ng ilang beses kung ikaw ang nawala sa mundong ito

Mahal, ulit- ulitin man hindi ko pinagsisisihan na ikaw ang ngalang nakilala ko
Ang ngalang pinangarap kong
makasama sa hangganan
ng aking buhay
Ang ngalang handa kong isakripisyo ang lahat at ipaglaban
Ang ngalang iniharap ko sa Diyos sa loob ng simbahan
Ang ngalang aking iginalang kasabay ng pag respeto
At ang ngalang naging reyna
Sa palasyo ng isang simpleng lalaking katulad ko

Sa huli
Isa lang ang aking kahilingan
Mahal, sana di mo ako makalimutan
Sapagkat mananatili kang alala at laman nito
Sumakabilang buhay man ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Aedrian Daquis | shared on He Said, She Said | Ilang tinta na ng panulat ko ang nasayang Dahil di ko alam kung paano ko to sisimulan O kung ano ang tamang salita o letra na kayang magbalik ng araw na tayong dalawa ay magkasama pa Hanggang sa muli kong maalala ang ngalan mo mahal Ngalang …

Review Overview

User Rating: Be the first one !
0