Ikaw na Sana ang Huli

Ikaw na Sana ang Huli

by Marjorie Pamittan Sibal, He Said, She Said Philippines |

Ilang lalaki pa kaya ang dadaan sa buhay ko at sasabihing hindi pa sila handa?

Ilang lalaki pa kaya ang magpaparamdam saakin ng kilig at suporta ngunit hanggang doon lang ang kaya nila? Ilang lalaki pa kaya kunwari mahal ka ngunit sa bandang huli text message nya nalang ang natitira.

Bakit kailangan laliman ang mga bagay na di kayang panindigan?

Noong araw na tinapos mo yung meron tayo natawa ako. Hindi ko kasi alam na “may tayo pala” sa mundo mong walang katiyakan. Sa mundo mong puno ng alinlangan.

Napapaisip ako kung ako ba ang problema o yung tao lang ba na iniwan mo bago ako. Napapaisip ako saan ako nagkulang kung bawat text mo ay ang pagtawag ko.

Sana may makapagsabi sakin na may madali pang paraan para maisalba yung tinatawag nilang “temporary”.

Kasi isa pala yun sa pinakamahirap intindihin. Na habang ikaw attached na, sila di pa handa.

Tama nga sila. Lahat komplikado. Lalo na pag tinapos ang isang bagay na hindi mo alam kung nagsimula na ba.

Pero salamat pa rin.
Natutunan ko na hindi lahat ng “almost” napropromote.
Madalas pala nadedemote.

Comments Go Here ▼

Comments