Ikaw Pa Rin, Sinta

by Sheane Ivy De Chavez | shared on He Said, She Said |

Mahal pa rin kita
Sana’y ganun ka rin, Sinta
Sapagkat puso’y mahihimbing na
Kapag hindi ikaw ang nakapiling sa tuwina

Kahit hindi na tayo
Isipan at puso ko’y ikaw pa rin ang tinatanto
Kasalanan ko ba kung ikaw pa rin ang sigaw nito?
Ewan ko ba, sadyang ako’y gulung-gulo

Nang maghiwalay tayo
Puso ko’y nagsumamo
Panghihinayang ang naging bakas nito
Kalungkutan ang labis na natamo

Akala ng iba
Isip ay nakalimot na
Subalit mali sila
Dahil sadyang, Mahal pa rin kita.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments