Ikaw Pa Rin Talaga

by Shen ni Jeks | shared on He Said, She Said

Sa bawat oras na dumaan ay iniisip kita
Iniisip ko kung ako pa din ba?
Ako pa kaya yung mahal nya?
Ako padin kaya yung iibigin nya?

Kasi ako,ikaw pa din yung mahal ko,
Ikaw pa din yung iibigin ko.
Kahit na ako ay iyong pinagpalit at niloko,
Ikaw pa din yung CM ko, yung mahal ko.

Sa kabila ng pinagdaanan nating dalawa,
Ni minsa’y hindi pumasok sa isip ko na ipagpalit ka sa iba.
Dahil ako’y umaasa na babalik ka pa,
Na tayo padin hanggang sa pagtanda.

Sa bawat pag tibok ng puso ko,
Walang ibang sinasambit kundi ang ngalan mo.
Para sayo mahal ay maghihintay ako,
Maghihintay ako hanggang sa bumalik yung dating ikaw at ako.

Sa tuwing ikaw ay aking naaalala,
Hindi mapigilan ng aking mga mata na lumuha.
Dahil sa sakit at pighati na iyong ipinadama,
Sa isang tulad ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka.

Lagi kong tinatanong yung sarili ko,
Kulang pa ba ang lahat ng ibinigay ko sa iyo?
Nagkulang pa ba ako ng pagmamahal sa isang tulad mo?
Hindi pa ba sapat ang isang Shaine para sa isang Jericho?

Paano na yung mga pangako natin sa isa’t-isa?
Yung pangakong magsasama tayo sa hirap at ginhawa?
Yung mga anak nating sila Stanley at Xiamara?
Paano na yung Habang Buhay nating dalawa?

Nasaan na yung mga pangako mo?
Ibinaon mo na ba sa limot ang mga ito?
O tutuparin mo padin ang iyong mga pangako,
Ngunit hindi na sa akin kundi dyaan na sa bago mo?

Alam kong masaya ka na,
Masaya kana sa piling nya.
Ngunit hindi padin ako mawawalan ng pag-asa,
Hanggat hindi nagiging asul ang pula.

Isa dalawa tatlo, miss ko na si Jericho
Apat lima anim pito, nasaan na yung ShaiRicho?
Walo siyam sampo,sana bumalik na yung dating Tayo.
Dating TAYO na masaya nung wala pang KAYO.

Ikalawang anibersaryo na dapat natin ngayon sinta,
Kundi lamang dumating sa buhay mo si Maila.
Nilandi ka nya, nagpalandi ka,
Anong magagawa ko eh tanga ka?

Sana matauhan ka sa ginawa mo,
Maisip mo sana na ipinagpalit mo ako.
Ipinagpalit mo ako sa isang babaeng
halik lang yung gusto sa’yo,
At walang ibang habol kundi yang katawan mo.

Maswerte ka dahil mahal kita.
Mahal kita kahit nagsusugal ka,
Mahal kita kahit ang bastos mo na,
Mahal kita kahit nagbago ka pa.

Mas kilala kita kesa sa pagkakakilala ng ibang tao sa’yo,
At mas alam ko kung ano yung totoo.
Kahit ano pang negatibo ang sabihin nila sa’yo,
Doon pa din ako makikinig sa mga positibo.

Hindi ako susuko sa ‘yo mahal ko,
Tutuparin ko padin yung mga ipinangako ko sa’yo.
Dahil ang pangako ay pangako,
At ang pangako ay hindi dapat pinapako.

Wala akong pake sa sasabihin ng iba.
Tanga na kung tanga!
Ano bang magagawa nila?
Eh IKAW PARIN TALAGA.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments