Ilang kape pa?

by Yssa Olivan Adornado | shared on He Said, She Said |

Ilang kape pa ang kailangan kong timplahin
para iyong inumin nang minsan
ay magpuyat ka naman para sa akin?

Ilang mapait na kape pa ang kailangan kong laklakin
kasabay ng pagtanggap kong ayaw mo na sa akin,

Ilang mainit na kape pa ang kinakailangan
para mapaso ang dila kong pangalan mo ang laging sinasambit
at mga labi kong sa iyo ay sabik,

Ilang kapeng barako ba ang katumbas
ng mga pangako mong napako,

Ilang kape pa ba, mahal?

Ilang kape pa ang kailangan kong timplahin
para aking inumin nang ako’y magising
sa katotohanang hindi ka naman talaga naging akin.

Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments