Imahinasyon lang pala

by Mean Barrion | shared on He Said, She Said |

Magtatapos ng ang taon ang lahat biglang nagbago. Dahil sa exchange gift meron ulit friendship.

Pero ba’t parang may nag-iba ako ata? Ang naloko kahit sa mata ng lahat ako ang mali at nagbago.

Nag-usap ang lahat, nagkaroon ng closure sa mga issue na nagawa, ‘wag daw bigyan ng exposure. At bigla mong sinabing nagkaroon ng kayo. Dapat pala ang sagot ko ay “alam ko” pero ako’y natameme at “sayang” lumabas sa bibig ko!

Saan nga ba nanggaling ang panghihinayang na nasabi? Ganung klaseng relasyon alam ko walang silbi. Kaya please lang, ‘wag ako sisihin kung bakit iyun nangyari. Dahil ang meron kayo ay tawag ng laman at biyaheng malandi.

“Ako na ang mag-aadjust,” yan ang nasabi mo! Sh*t ang kapal! Kung kayo, eh di kayo. Huwag mo ‘kong idamay sa kahibangan mo dahil ang alam ko masaya ako sa meron ako.

Nakalimutan na kita, ‘wag ka nang bumalik. Huwag ng magparamdam at ‘wag magparinig. Madami na ang naloko at tipong nag-masteral na nga ako! SUMA CUM LAUDE ang award — oh di ba ang galing ko!

Kaya sana umalis ka na dahil ang nakaraan hindi na maibabalik pa.

Sinubukan kong hanapin ang dating ikaw. Sinubukan kung balikan ang nakaraan, sinubukan kong alamin kung merong tayo. Pero hindi nga pala naging tayo. Sinubukan kong balikan pero wala ng babalikan dahil ang dating ikaw ang dating tayo ay imahinasyon lang.

At kakahanap sa imahinasyon ko, pati ang dating ako, biglang naglaho.

 


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting

 

Comments Go Here ▼

Comments