Isa, Dalawa, Tatlo

ni Cherry dela Peña |

Isa, dalawa, tatlo, tatlong taon na rin pala ang lumipas
Simula nung magmahal ako ng wagas
Naalala ko pa rin kung paano tayo nagsimula
Kung paano tayo nagkakilala
Kung paano ako titigan ng iyong mga mata
Na para bang ako ang pinakamahalaga
Kung paano mo ako halikan sa aking labi
Na ako nga’y iyong pinagmamalaki
Gaya nga ng iyong laging sinasabi
Kung paano ako hawakan ng iyong palad
Na para bang tayo ay lumilipad
Kung paano mo bigkasin ang “mahal kita”
Kung paanong ikaw at ako ay naging iisa
Ang saya, sobrang saya
Tila isang pelikulang ayaw ko ng matapos pa
Tila isang pangungusap na ayaw kong tuldukan pa
Parang isang kwentong walang wakas
Parang isang daan na pareho ang landas
Ngunit bigla na lang nag iba ang ikot ng mundo
Sabay ng paglamig ng panahon ay ang malamig mong pakikitungo
At ‘yon ang di ko napaghandaan
Parang isang math problem na di ko alam ang solusyon
Sapagkat hilong-hilo na ako sa lahat ng emosyon
Di kita ginusto
Dahil minahal kita ng husto
Saksi ang unan sa lahat ng luhang pinakawalan
Saksi ang mga bituin kung panu ako tumingin sa kawalan
Saksi ang aking mga kaibigan kung paano ako nahirapan
Simula nung ako’y iyong iniwan
Simula ng natapos ang tayo
Simula nung winakasan mo ang ating kwento
Simula nung nag-iba tayo ng landas
Simula nung nawala na ang pag ibig mong wagas
Sobrang pait, sobrang sakit
Na para ba’y puso ko’y pinupunit
At kailangan ko ng burahin ang katagang iginuhit
Iginuhit sa eroplanong papel na pinalipad sa langit
Alam mo ba kung ano iyon?
“ikaw at ako sa habang panahon”
Naalala ko pa,Isang oras sa dapit-hapon
Ako’y tahimik sa aking inuupuan
Habang iniisip kung paano nga ba nagkalabuan
Ninanamnam ang malakas na hangin
Humiling na sana tangayin ka pabalik sa akin
Ngunit napagtanto kong ito ay malabo
Dahil sa kalangitan parang ikaw yung lobo
Na unti-unting nililipad palayo
Isa, dalawa, tatlo, tatlong hakbang palayo
Dahil handa na ako
Handa na akong ibaon ang lahat
Sapagkat iyon ang nararapat
Lahat ng ating ala-ala
Na nagpapapa-alang minahal kita
Oo “minahal” dahil iyon ay nakaraan
Nakaraan na di na dapat pang balikan
Pagkat mayroon pang kasalukuyan
Na kailangan kong paghandaan
Sa hinaharap kung saan sa aki’y naghihintay
Naghihintay sa mas masayang buhay
Isa, dalawa, tatlo, tatlong taon na nga ang lumipas mahal
Ganun na pala katagal
Ngunit heto na ako, nakatayo
Nakabangon na mula sa pag iwan mo
Nakakasabay na sa pag ikot ng mundo
Masaya na kahit wala ng tayo
Tanggap ko ng walang ikaw at ako
May ngiti na muli sa aking labi
Habang nakatingala sa bahaghari
Na pagkatapos ng ulan ay may magandang mangyayari
At alam ko sa aking sarili
Handa na akong magmahal muli.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments