Isang Alaala

ni Mikaela Saliling |

Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagumpisa?

Sa umpisang parang ayaw na natin matapos dahil gusto lang natin manatili sa kung anong meron tayo sa umpisa.

Naaalala mo pa ba kung paano natin inalagaan ang isa’t isa? Yung tipong pag-aalagang hindi napapantayan nino man.

Yung pag-aalagang sayo ko lang naramdaman at yung pag-aalagang kapag ako ay nasasaktan ikaw lang ang kasagutan na tanging presensya mo lang ang kailangan.

Pero mahal, sa sandaling umalis ka ng tuluyan, pagaalaga mo aking hinanap ngunit oo nga pala, nakalimutan ko tapos na nga pala yung obligasyon na alagaan ako.  Naaalala ko pa kung paano mo ako napasaya. Yung tipong mga ngiti na sa ‘yo ko lang pinakita.

Yung tipong kahit sobrang sakit na basta nandyan ka okay na sakin ang lahat.

Hiniling ko nga noon na sana palagi na lang tayo masaya pero nakalimutan ko, nakalimutan ko na may hangganan pala ang saya, na may dulo pala ang lahat, at tayo? Yung masayang tayo nawala nalang ng bigla. Nawala na parang bula ng dahil sa hindi pagkakaintindihan.

Naaalala ko pa kung paano mo ako pinahalagahan. Yung pagpapahalagang sayo ko lang naramdaman
Dahil ikaw ang nagparamdam sakin na ako’y mahalaga, na ako’y importante. Na ako’y naiiba sa lahat pero sandali, nakalimutan kong ikaw din pala ang nagparamdam sakin na wala akong kuwenta na wala akong halaga na iiwan din ako ng taong sobra ko ng pinahalagahan.

At ikaw, Ikaw lang ang taong nagparamdam sakin na mawawalan din ako ng halaga.

Naaalala ko pa kung paano mo ako pinrotektahan. Yung tipong kahit pagtawid sa kalsada, hawak mo pa aking mga kamay.

Naalala ko pa kung bakit kailangan ko pang kumapit pa sa pag-asang maibabalik pa. Maaayos pa. Masakit, mahirap. Kase ako lang pala ang nakaalala, ako nalang pala ang nakakapit sa salitang kaya pa, na kaya natin to mahal.

Naalala mo pa ba nung tayo’y naglalakad sa isang tulay, tulay na akala ko’y walang hangganan habang magkahawak ang mga kamay? Ngunit bakit ganoon mahal? Sa kabila ng lahat ng ating pinagdaanan mas pinili mo pang sumuko nalang at wag ng ipaglaban ang ating pagmamahalan.

Hindi malimut-limot ang mga panahong ating pinagsamahan, hindi malimut-limot ang mga matatamis na salita na iyong binitawan, hindi malimut-limot ang sakit na iyong pinadama, hindi malimut-limot ang mga masasakit na salitang binitawan mo. Ang dating matamis na pagtitinginan, napalitan ng pait, sakit, galit at lungkot. Nakikipagsapalaran kay tadhana dahil iyon ang dapat. Ngunit naalala ko nga pala, ako na lang pala ang lumalaban. Naalala mo pa ba yung mga panahong tayong dalawa lang sa kwento, na tayo lang ang bida, na tayo yung masaya.

Ngunit dumating ang araw na aking kinatatakutan, dumating ang araw na hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung ako ba’y dapat magsisisi na pinakilala ko s’ya sa ‘yo. Kase makita ko palang kayong magkasama ang sakit sakit na, sa bawat pagtawa at k’wentuhan niyo sa aking harapan. Hindi ko mapigilang hindi mapaisip kung ako ba ay kailangan pa. Pero alam mo yung mas masakit? Kaibigan ko s’ya, tinuring kong kapatid at tinanong kita, tinanong kita mahal, ng buong tapang na p’wedeng magdulot sa akin ng sakit at pagalinlangan sa maaari mong isagot, tinanong kita kung may posibilidad bang magkagusto sa kanya.

Ang sagot mo ay OO — dalawang letra at isang salita ngunit nabago ang aking mundo. Ang mundo na noon ay puno ng masasayang kulay na napalitan ng madilim at walang buhay.

Naalala ko pa ang mga araw na tinatanong ko ang aking sarili, Ano bang kulang sa ‘kin? Ano bang mali sa ‘kin? Ano bang wala sa akin na nakikita niya sa iba? Hindi pa ba ako sapat? Hindi na ba ako karapat-dapat ipaglaban?

Minsan mapapaisip ka nalang kung itutuloy pa ba o tama na?

Nag-umpisa sa isang salitang “Mahal Kita.” natapos sa salitang “Ayaw Ko Na.” Masakit ngunit kailangang tanggapin, mahirap ngunit kailangang harapin ang bawat paggising sa umagang wala ka, harapin ang mga pagsubok na dati’y kasama ka. Harapin ang bagong pahina sa kwento ng buhay ko ng wala ka.

Mahal, alam mo yung masakit? Yung sinanay mo ko sa mga panahong nandyan ka. Sinanay mo kong ako lang, sinanay mo kong magtiwala sa mga pangako mo, pangakong hindi matuloy-tuloy, pangakong napapako.

Higit sa lahat, alam mo yung naalala ko? Naalala ko pa kung paano mo ako minahal.

Ikaw? Naaalala mo pa ba? Siguro hindi na, dahil ang mga alaalang ito’y mananatiling alaala na lang.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments