Isusulat Ko Na Lang

by Dominic Ignacio | shared on He Said, She Said

Eto na, sisimulan ko na
At sisimulan ko sa pag-alala at pag-isip ng kanyang pangalan
At iisipin na siya ay nasa aking tabi,
kunin ang kanyang mga kamay at hawakan

Mananaginip at magiisip ng
istoryang bubuuin namin ng panghabang buhay
At sa aking panaginip ako’y nagising sa katotohanan at nalumbay
Na ang bawat panaginip ay tila naglaho
Noong naalala ko na wala naman palang salitang tayo

Hindi man tayo palaging nagkikita,
Ngunit sa aking pagiisa ikaw ay aking naaalala
Gusto pa sana kitang makilala
Ngunit ito ay natapos nung ika’y humindi na

Marami akong gustong sabihin sa iyo
Pero wala nang oras na nakalaan
Nagiba na ang ating tinatahak na daan
Sa pagdating at pagsalanta ng malakas na bagyo

Mahal kita, mahal pa din kita,
Gusto ko sanang sabihin ito sa ‘yo, pero malabo
Hindi dahil sa ikaw ay malapit hindi rin dahil sa ikaw ay malayo
Kung hindi dahil sa baka ayaw mo nang pakinggan,
ang mga salitang iniisip mong kasinungalingan

Kaya’t isusulat ko nalang, magiisip na sana
ito ay iyong mabasa, marinig, at maunawaan
Maghihintay ako hanggang sa araw
na ikaw ay dumating para simulan
Handa akong umalis at bumalik sa nakaraan
Na kung saan sa loob ng kahon ikaw at ako lang ang laman

Matutulog, mananaginip at gigising ako ulit
Uupo at magnanais na ang aking isinulat ay kaya ko nang masambit.
Kaya sana ito ay makarating sa ‘yo
Kung hindi ayos lang aasa nalang ako

Magaantay sa araw na aking hinihiling
Na ikaw ay makasama’t makapiling

Pero Ito muna sa ngayon, at itutuloy ko sa susunod na panahon
Sa susunod na pagsusulat ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments