Ito Yung Mga Saloobin Ko

By Babypot | | shared on He Said, She Said |

I don’t know how to start this but here it goes.

I’m so sorry, Cle. Sorry kasi hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. Sorry kasi umasa ako ulit na maaayos pa natin kahit na alam kong malabo nang mangyari yun. Alam ko naman na ako yung tipo na di mo kayang ipaglaban. Masakit pero kailangang tanggapin kahit durog na durog na ako. Don’t worry hindi mo kasalanan to, it’s all my fault. Kasi di mo naman sinabi na umasa ako e, ako lang naman tong tanga at martir na gustong saktan ang sarili ng paulit-ulit.

Bago ako tuluyang magpaalam hayaan mo muna akong alalahanin lahat ng mga alaala natin simula nung una tayong magkachat sa WECHAT hanggang sa huli kong pagpaalam sa ‘yo. Tandang-tanda ko pa nung sinabi mo na rare person ako. Di ko makakalimutan yun. At yung time na nainis ka sakin nung sinabihan kita na ang bilis mong maloko tas di kana nagreply. Akala ko last na talaga natin yung pag-uusap pero di ka nakatiis kinumusta mo pa rin ako hanggang sa tuluyan na akong nahulog sayo at naging tayo, October 15 yun. Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko nung mga sandaling yung. Naghahalo ang kaba at excitement.

Halos lagi tayong magkausap mapa-text, call o chat man. Tandang-tanda ko rin yung sinasamahan kita sa pagduty mo ng 12-4am at sabay tayong natutulog. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong may nagmamahal sa ‘yo kahit alam kong walang kasiguruhan kasi online lang naman tayo nagkakilala pero sumugal pa rin ako. Ganun naman talaga ang pag-ibig dba? Di mo malalaman kung mananalo ka kung di ka susugal.

Naalala ko din yung birthday mo tapos ginawan kita ng video para maramdaman mong kasama mo ako kahit malayo tayo at ipadama sayong mahal na mahal kita at seryoso ako. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Biglang dumating sa point na naging cold ka at para akong mabaliw nun sa kakaisip kung ano bang nagawa kong mali hanggang sa chinat kita kung ano bang problema nating dalawa at sabi mo lang na usap tayo pagdating mo dito sa Bicol.

Sa totoo lang iniisip ko nun for closure na e kasi ramdam ko naman that time na may bumalik sa buhay mo. So, eto na nga unang pagkikita natin Dec. 12 ata yun. Sobrang nae-excite at kinakabahan ako nung mga oras nay un kasi di ko alam pano kita iaapproach. Nung unang kita natin tumalikod ako agad at sumunod ka nalang at bigla mo akong hinawakan sa balikat ko. Para akong nakuryente nung unang paghawak mo sakin. Mailap pa ako nun sayo pero habang tumatagal ay nagiging komportable na rin ako sa ‘yo.

Lumipas pa ang mga araw at naging masaya naman tayo. Isa sa mga hindi ko malilimutan yung pagpunta mo sa bahay and you celebrated New Year with us. Walang mapaglagyan ang saya ko nun Cle kasi finally legal na tayo sa pamilya ko at pati na rin siguro sa pamilya mo.

Akala ko talaga happy ending na kasi kung tutuusin wala naman ng problema when it comes to family e. That was the best new year for me so far kasi kompleto yung pamilya ko at dumating ka sa buhay ko. Pero di pwedeng puro saya lang sa isang relasyon.

Dami rin nating pinagdaanan. Naalala ko pa nung unang beses kong nalaman na niloloko mo pala hindi lang ako kundi pati na ex mo. Di ko alam pano kayo nakakatulog nang mahimbing nyan. Pero sa kabila nun pinatawad pa rin kita at di kita iniwan kasi sobrang mahal kita.

Handa akong kalimutan lahat ng pagkakamali mo at tanggapin ka ng buong puso kasi ganun kita kamahal kahit na sobrang sakit. Alam ko kasing kailangan mo ko, kailangan mo ng someone na makakaintindi sa ‘yo at hindi ka susukuan at ako yun Cle. I never want to give up on you because I always see the potential in you. Hindi ka ganun kasamang tao. Alam ko yun. I always believe that you will do the right thing sooner or later.

Isa pa sa mga hindi ko makakalimutan yung huli nating pagkikita at pagsasama. Yung gabing parang ayaw mo kong pakawalan sa mga bisig mo at gusto na lamang kita pagmasdan hanggang magdamag. Ayaw ko nang kumawala sa mga oras na yun. Gusto kong umiyak pero pinipigilan mo ko kasi sabi mo mahirap umalis na may umiiyak kaya naging malakas ako para sa ‘yo. Ayaw ko na sanang matapos ang gabing yun o kaya gusto ko nalang sumama sa ‘yo pero di pa pwede. Ang hirap magpaalam nang mga sandaling yun kasi alam kong matagal tayong di magkikita.

Tumagal tayo ng 11 months hanggang sa nagdecide ka na maghiwalay na tayo kasi sawa ka na. Di ko alam ang mararamdaman ko nun. Sakit. Inis. Lito. Lutang ako lagi noon. Feeling ko miserable na ulit ang buhay ko. Pinilit kong maging okay kasi malapit na board exam ko nun buti nga nakapasa ako. Thanks God. Blessed pa rin ako kahit papano. Akala ko sasaya na ako kasi atlast nakapasa na ko pero lagi pa rin akong malungkot. Parang may kulang sa buhay ko. Lagi pa rin kitang kinukulit nun kahit na binabalewala mo ako.

Hanggang sa pumunta kami nang Maynila. We’re supposed to enjoy there pero di ko magawa malungkot pa rin ako kasi gusto kong malaman ang totoong rason kung bakit ka nakipaghiwalay hanggang sa nalaman ko nga ang totoo. Parang dinudurog ang puso ko nang mga oras na yun at galit ang nararamdaman ko kaya kung ano-anong masasamang pananalita ang nasabi ko sayo at nadamay ko pa ang pamilya mo. Pero di rin natapos ang gabing yun, naguilty ako sa ginawa ko at di ko kayang matulog without saying sorry sa mga taong nasaktan ko. Alam kong damaged has been done but you also have to consider the damage you’ve caused me. I was relieved that night at sabi ko sa sarili ko na makakatulog na ako nang maayos. Oo naging masaya nga ako kinaumagahan at nung mga sumunod pang araw pero dumadating talaga sa point na maiiyak na naman ako at maaalala kita.

After 2 weeks ata nun nung kinumusta kita. Ang cold mo pa nun na para bang gusto mo nang ibaba ang phone at ayaw mo na akong kausap. Kinumusta ko din kayo at sabi mo dyan sainyo nagdinner yung taong mahal mo. Sinabi ko pa nga sayo nun na kung gusto mo talaga siya i-pursue mo sya at wag mo na siyang sasaktan kahit nasasaktan naman talaga ako that time pero sige lang kung saan ka masaya.

After 2-3 weeks tinawagan kita ulit at iba ang aura mo. Nabigla nga ako kasi parang excited ka na makausap ako. Kinukulit mo pa nga ako sa kakasabi mo na namiss kita at ako naman iniiba ko nalang ang topic para di mo mahalatang namiss naman talaga kita. Ang saya ko nun sobra kasi narinig ko ulit yung boses mo na masaya. Hanggang sa lagi ulit kitang tinatawagan at sabay tayo ulit natutulog. Bumalik yung mga ngiti sa labi ko. Di ko mawari ang saya ko pag naririnig ko ang boses mo na para bang musika na gustong-gusto kong pakinggan.

Pero, di yata tama to. Ramdam kong may mali. Di ko alam kung ano at bakit. Nasasaktan ulit ako na hindi ko maintindihan. Umaasa na naman kasi ako. Nagbabakasakali na kaya ko pang i-save ang relasyon natin and it seems na mahal mo pa din naman ako e, na namimiss mo rin ako. Kaya lang, kakayanin ko ba to kung ako nalang ang lumalaban? Kailan kaya mangyayari na ako naman ang pipiliin mo? Na hindi na ako option kundi isa na rin sa priorities mo? Di ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa utak mo.

Pero ito yung mga saloobin ko na gusto kong ipabatid sa ‘yo. Baka nga kailangan ko nang sumuko kasi matagal mo na akong sinukuan? Di ko na alam ang gagawin ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments