It’s harder than I thought

by Ree | shared on He Said, She Said |

Nung nagpasya tayong wakasan ang sa ‘tin, ang “tayo.” Akala ko magiging madali lang ang pagtanggap. Sinabi ko noon, part of loving is pain. Akala ko pag nandiyan na ung dulo, magiging handa na ako. Pero mali. Mali pala ako.

Its harder than I thought.
When we had our tough times, I got myself ready. Ready for the end. I had to face the fact that our relationship will come to an end… and sadly, it happened. During the Christmas season when everyone was celebrating, my heart was mourning.

Pinaghandaan ko na ‘to eh. Pero ngayon na sinasampal na ako ng realidad na wala na tayo, wala na ung DATING tayo, ang hirap pala.

Ilang araw na ba akong ganito? Ilang linggo na ba akong tuliro?
Ilang tissue na ba ang naubos ko kakaiyak?

Haay, ung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung dahil sobrang namimiss lang kita, kung umaasa pa ba ako sa second chance? Kung baka makita kitang muli at magkaroon ulit ng pag asa.

Pero sa isang banda, alam ko kailangan ko ng tanggapin. Masakit man pero acceptance is the key daw.
Tapos na.
Tama na.
Move on na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments