Itutuloy Pa Ba Natin Ito?

by Regine Tien | shared on He Said, She Said |

Pa’no ko ba masasabi na ayaw ko na
kung ang totoo ay gusto ko pa ?
Pano ko ba masasabi na suko na ko
kung ang totoo ay ayaw ko pang itigil ‘to ?
Pano ko masasabi na ayos lang ako
kung ang totoo ay hirap na hirap na ko ?

Hindi ako nasasakal sa pagmamahal mo
Ang totoo ay naluluwagan pa nga ako
Sa sobrang luwag ay hindi ko maramdaman ang pagmamahal mo
Ngunit may naitanong ako sa sarili ko
May dapat ba ko maramdaman mula sa ‘yo ?
May pagmamahal ba konh matatanggap mula sa ‘yo ?

Hanggang kailan ko ba pahihirapan ang sarili ko ?
Hanggang kailan ko hihintayin na maramdaman kong mahal mo ako ?
Hanggang kailan ba ko aasa na mamahalin mo rin ako ?

Sabihin mo nga sa akin …
O kaya naman ay ibulong mo na lamang sa hangin …

… Itutuloy pa ba natin to ?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments