Jolo, Mahalin Mo Si Lolo

by estefancurry | shared on He Said, She Said |

Noong bata ka pa, siya sa ‘yo ang nag-aalaga
Magmula sa iyong pag gapang, hanggang sa iyong paglalakad
Ngiti ay sobra sobra sa tuwing ika’y magsasalita
Tawa ay nakakahawa, kapag umiyak ay nakakaawa
Sa pagkain ikaw ang inuuna, sapagkat makita ka lang ay busog na
Sa iyong bawat pagmamano, talagang nakakataba ng puso
Ngunit habang ika’y tumatanda, bakit parang nakakalimot na?
Habang ang panahon ay lumilipas, bakit parang pagmamahal ay kumukupas?
Ang dating palagiang paghalik kay lolo, ngayon ay kinahihiya na ni Jolo
Kahit sandaling pagkausap, hindi na magawa, sapagkat laging una ang barkada
Sa tuwing yayayain kumain, computer na lang ang siyang uunahin
Kapag nagutos na si lolo, nagmamadaling magkulong sa k’warto
Kahit pasalubong ay hindi mabigyan, sapagka’t laging inuuna ang kasintahan
Ano nang nangyari sa’yo Jolo?
Hindi mo ba natatandaan ang mga sakripisyo para sa ‘yo ng iyong lolo?
Bakit ngayon ay parang wala na lamang siya sa ‘yo?
Wag mong antayin na mawala siya sa ‘yo
Hindi pa huli para ikaw ay magbago
Sulitin mo ang panahon na siya ay kasama mo
Dahil hindi habambuhay buhay si lolo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleEstranghero
Next articleIkalawang Yugto